Naghatid ang Valorant patch 4.08 ng mga major balance changes sa electric speedster na si Neon, kasabay ang mga nerfs kay Jett at Sova, dalawa sa pinaka-ginagamit na agents sa laro. 

Sa kabilang palad, si Neon pa rin ang pinakamadalang piliin na agents sa kaniyang 11.1 percent pick rate sa nakaraang buwan, ayon sa Valorbuff

Ang mga Neon nerfs, kasama ang mga pagbabago sa kaniyang Fast Lane wall, ay muhkang magiging rason sa kaniyang paglalaos. Naghatid rin ang Riot Games ng mga quality of life improvements para tanggalin ang “friction” na nararanasan kapag nilalaro mo siya, para maging mas swabe ang paggamit sa kaniya sa susunod. 

Neon nerfs sa Valorant patch 4.08, ipinaliwanag 

Valorant Neon nerfs
Credit: Riot Games

Ang mga pagbabago ay magkasabay na na-buff at na-nerf si Neon. Ang isa sa pinakahalatang pagbabago ay nasa kaniyang Fast Lane, na hindi na nagdudulot ng kahit anong damage sa kalaban o kakampi. 

Ginawa ito para makapaglaro ang mga kakampi sa loob ng Fast Lane nang mas mabilis. Ngunit ang ibig sabihin nito ay mas mauudyok ang mga kalaban na mag-push sa wall, kaya mapanganib ito para kay Neon dahil hindi siya pwedeng mag-shoot habang tumatakbo. 

Hiwalay pa riyan, ang battery energy ni Neon ay mag-re-recharge na sa 100 percent sa bawat kill, imbis na sa dating 25 percent recharge lamang. Dahil dito, maaring mas magiging agresibo si Neon sa kaniyang mga push o rotations sa bawat kill, at mas mahalag ito kapag siya ay nasa loob ng kaniyang Overdrive ultimate. 

Ngunit na-offset naman ito ng mas mabilis na energy drain rate na umaabot hanggang 10 per second kumpara sa 6.7 noon. Malaking parusa ito, kaya kailangan nang planuhin ng mga Neon players ang kanilang ruta para hindi maubusan ng juice. 

Isang major na quality-of-life improvement ay ang kaniyang abilidad mag slide nang patagilid nang mas madali. Bago lumabas ang patch 4.08, kinailangan tumalon ang mga players at I-timing ang kaniyang inputs para makagalaw nang patagilid. 

Si Victor “Victor” Wong ng OpTic Gaming na tumulong sa kaniyang team na manalo sa VCT Stage 1 Masters Reykjavik 2022, ay nadismaya sa mga pababago kay Neon. “Why,” sabi niya, at sinundan ng dalawang umiiyak na emoji. 

Basahin angg buong full notes para sa patch 4.08 dito