Sa wakas, nandito na ang pinakabagong speed demon ng Valorant na si Neon. 

Ang Pinoy na Valorant agent na ito ay isang duelist na handa na sa labanan. Tinawag siya ng mga developers ng Riot Games bilang “the fastest agent in Valorant,” dahil ang kaniyang mga abilidad ay nakapalibot sa kaniyang bilis. 

Ang pang-anim na dulest ng Valorant na ito ay may abilidad ring palabuin ang paningin ng kalaban, ang pag-tapon ng mga chain stuns, at pagbaril ng mga sinag ng kidlat mula sa kaniyang mga daliri. 

Lahat ng Valorant agent abilities ni Neon 

High Gear (E) – combat dash 

Agad-agad mong makukuha ang lakas ng bilis ni Neon. Kapag naka-charge, pindutin ang alt-fire (right-click) para mapabilis ang slide. 

15 na segundo ang tagal ng kaniyang takbo kung ginamit mula sa 100 patungong 0, at ang kaniyang High Gear combat slide ay magre-reset kada 2 kills. 

Ang signature na takbo niya ay automatic na magre-recharge kapag hindi ginagamit, at mag-rerefill 25% matapos ang isang kill. Ang kahinaan ng kaniyang sprint ability ay hindi siya maaring makahawak ng weapon habang tumatakbo siya. 

Mayroon ring High Gear combat dash si Neon na maaring gamitin habang siya ay tumatakbo, ngunit siya ay papunta lamang sa direksyon ng kaniyang takbo. Mayroon itong isang charge kada round ngunit ito ay mag-rerecharge matapos ang dalawang kills. 

Sinabi ng Filipino Valorant game designer na si Ryan “rycoux” Cousart sa isang Q&A noong Jan. 7 na binuo si Neon sa ideya ng bilis. 

“We wanted to make sure Neon was the fastest agent in Valorant, but on the ground,” sabi ni Cousart. 

Fast Lane (C) – 300 credits, 1 charge 

Valorant Neon Fast Lane
Credit: Riot Games

Ang Fast Lane ay mag-uusbong ng dalawang energy lines sa lupa na aabot ng maikling distansya o hanggang sa tumama ito sa isang surface. Ang mga linyang ito ay tatayo bilang wall na gawa ng kuryente na haharang sa paningin ng kalaban at makakadulot ng damage sa kalaban na dadaan dito. 

Ang abilidad na ito ay nagtatagal nang anim na segundo at umaabot sa haba ng isang spike site. 

Ang Fast Lane na lagusan ni Neon ay hinahayaan siyang tumakbo sa paligid ng kaniyang mga kalaban. Maari rin itong gamitin ng kaniyang mga kakampi para makuha ang mga spike sites. Magdudulot rin ito ng damage sa mga kalaban na makakatama sa bawat energy wall. 

 
Relay Bolt (Q) – 200 credits, 2 charges 

Valorant Neon Relay Bolt
Credit: Riot Games

Agad-agad na magtatapon ito ng energy bolt na tatalbog nang isang beses. Kapag tumama ito sa kahit anong surface, magkakakuryente ang lupa na may concussive na pasabog. Ang stun effect ng Relay Bolt ay tumatagal nang 2.5 na segundo. 

Maganda ang Relay Bolt ni Neon sa pagpapabagal ng mga pagsugod ng kalaban at paglinis ng mga sulok at mga defensive na posisyon sa pagpasok, dahil tumatagos ang concussive blast sa mga pader. 
 

Overdrive (X) – 7 ultimate charges 

Valorant Neon Overdrive Ultimate
Credit: Riot Games

Pakawalan ang kapangyarihan at bilis ni Neon sa isang sandali. Mag-fire para lumabas ang kaniyang kapanyahiran bilang isang nakakamatay na sinag ng kidlat na may mataas na movement accuracy. 

Ang kaniyang tagal at slide ay mag-rereset sa bawat kill. Nagtatagal ang ultimate sa loob ng 20 segundo. 

Ang paggamit ng Overdrive ay mag-rerecharge ng kaniyang sprint bar, at ang pagkuha ng kills ay makakapagpahaba ng tagal ng ultimate ni Neon. 

Ito ay isang sinag ng kidlat kung saan may oras ka para makakuha ng kills. Ang sinag na ito ay may 40 charges katulad sa bilang ng bullets sa isang baril. May kompletong aim accuracy ang Overdrive habang tumatakbo, ngunit hindi na ito eksakto habang tumatalon. 

Ang pagtigil ng paggamit ng sinag ng kidlat ay magpapatas sa kaniyang mga charge. Hindi rin nagdudulot ng kritikal na daamge ang Overdrive sa mga headshots o mas mababang damage sa mga leg shots. Mayroon itong permanenteng halaga ng damage na nagiging mas mahina depende sa layo ng kalaban kay Neon. 

Lugi si Neon laban sa mga baril tulad ng Phantom, Vandal, at Sheriff, dahil hindi siya nakakapatay ng mga target sa isang hit habang ang ibang baril sa Valorant ay kaya itong gawin. 

Marami kang magagawa sa mga abilidad ng Pinoy na agent na ito at maganda ito gamitin ng mga players na may agresibong playstyle. Ang pinaka-nakakaintrigang parte sa kaniya ay ang best asset niya ay ito rin ang kaniyang kahinaan. 

Magiging mahirap tamaan si Neon dahil sa kaniyang High Gear sprint na abilidad at maari niyang ikutin ang mapa nang mabilisan, ngunit maari siyang barilin ng mga kalaban niya nang hindi na kailangan magalala na babarilin din sila, dahil walang weapon na hawak si Neon habang tumatakbo siya, maliban sa kaniyang Overdrive ultimate. 

Opisyal na sumali si Neon sa Valorant roster kasabay ang paglabas ng Episode 4: Disruption. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa Valorant.