Importante ang representasyon hindi lamang sa mga pelikulang pinapanood natin, pero kahit na rin sa mga laro na ating ikinagigiliw.

Ito ang rason kung bakit ang 19th agent ng Valorant na si Neon ay nagkaroon ng malaking epekto sa komunidad nating mga Pinoy.


Bakit nga ba malapit sa puso ng mga Pinoy si Neon?

Ibinahagi ni Ryan Cousart, isang Valorant developer na parte ng pagbuo sa nakaka-kuryenteng agent, ang kaniyang mga saloobin kung bakit malapit sa puso ng mga FPS players ang kuwento ng agent na ‘to.

BASAHIN: Valorant Neon Guide: Paano gamitin ang High Gear nang paatras, patagilid, at double slide