Naglabas ang Riot Games ng isang teaser image patungkol sa bagong Valorant map.
Ang teased image ay unang nakita sa simula ng Year One Anthem video ng Riot Games, na may kasamang mga cryptic text na nakasulat sa iba’t ibang lenguahe.
Cryptic messages sa bagong Valorant map teaser ipinaliwanag

Ang bagong Valorant map ay naka-set sa isang lumulutang na isla na may malaking umiilaw na bagay na naglalabas ng liwanag papuntang langit. May mga haka-haka ang ibang fans na ito ay isang meteor na bumagsaj sa isla.
Ang German text sa itaas (entzweite weiten) ay nangangahulugang “divided expanses.”
Ang Spanish text sa ibaba (futuros revelados) ay nangangahulugang “futures revealed.”
Ang Chinese text sa bandang kanan sa itaas ng graphic (王国) ay nangangahulugang “kingdom,” na sinusundan ng (瓦解) na ang ibig sabihin ay “disintegrate.”
Isa pang palatandaan na nagkukumpirma na ang teaser image ay ang bagong Valorant map ang makikita sa upper right na may letrang B, na sumisimbolo sa B spike site.
Ang mga cryptic text ay sumasakto sa ipinakita ng Riot games sa huling Duality lore cinematic. Sa simula ng trailer, nagpakita ng ilang breaking news reports sa iba’t ibang bansa.
Ang pagbanggit sa Kingdom corporation at ang Radianite power program nito ay maaaring may kinalaman sa malaking bagay na nasa gitna ng Valorant map.

Hindi sinabi sa teaser kung kalian ilalabas ang bagong Valorant map. Magtatapos ang Episode 3 Act I sa September 7. Makakaasa ang mga fans ng karagdagang impormasyon sa pagdating ng araw na ito.