Pinatunayan na naman ng 100 Thieves na sila ay comeback kings sa VCT Stage 3 Masters Berlin, matapos manalo sa kanilang quarterfinals match laban ang Acend.

Bago nagsimula ang huling mapa, nagpasya ang 100 Thieves na magkaroon ng last-second switch para kay Nick “Nitr0” Cannella sa Valorant match na ito. Dahil ang deciding game ng match ay napunta sa Breeze, pinili ng North American squad na kunin niya si Jett kaysa sa isang controller agent.

Nagbigay ang switch ng 100% pick rate kay Jett sa Breeze; ito ang kaniyang pinakamataas na percentage sa kahit anong map sa VCT Stage 3 Masters Berlin.

Bakit pinalaro ng 100 Thieves si Jett kay Nitr0 sa Breeze sa kanilang match laban ang Acend?

Nitr0
Credit: Riot Games

Sa post-game press conference, ibinahagi ng 100T team captain na si Joshua “steel” Nissan na lumalago si Jett sa mapa tulad ng Breeze. Mayroon itong maraming open spaces na napupunta sa mga long-range gunfights. Si Jett ang perpektong agent para dito dahil siya ang pinakamagaling na Operator user sa meta.

Dinagdag pa ni Nitr0 na siya na ang primary Operator user kay Omen sa 100T. Handa na siya labanan ang superstar Jett player ng Acend na si Mehmet Yağız “cNed” İpek.

Paano napanalo ng 100 Thieves ang mga high-pressure overtime rounds sa VCT Stage 3 Masters Berlin

Matapos malaglag sa 7-12, tinulak ng 100T ito sa overtime at nanalo sa limang straight rounds sa tulong ng Jett ni Nitr0. Nakatama siya ng mga importanteng Operator shots na nakapigil sa paglusob ng Acend sa A-site.

Sinabi ng North American squad na ito sa kanilang post-game interviews na iniiwasan nila si cNed sa huling parte ng match. Sinabi ng taem captain ng 100T na ayaw nilang I-contest si cNed at ang kaniyang Operator.

Ibinahagi din ni Nitr0 na sa pangalawang kalahati ng match sa Breeze, kinabahan na ang Acend maliban lang kay cNed na ginusto magkaroon ng impact plays laban sa kanila. Tinapos ni Nitr0 ang laro ng may 24/13/4 gamit si Jett sa Breeze.

Dahil sa kanilang malupet na comeback, nakapasok ang 100 Thieves sa semifinals ng VCT Stage 3 Masters Berlin, kung saan haharapin nila ang Team Envy sa Septemebr 19, 12:00 a.m. GMT+8.