Ipagpalagay mo na lahat nang limang miyembro ng inyong koponan ay nag-line up sa line of sight ng kalaban. Ito ang mismong nangyari sa BOOM Esports sa kanilang opening match sa Valorant Champions 2022 kontra kay Austin “crashies” Roberts at kanyang squad na OpTic Gaming.

Sa deciding map na Fracture, sinubukan ng Indonesian team na mag-rotate sa kabilang side ng mapa gamit ang ropes na nagdudugtong sa attacker sides. Ngunit hindi maganda ang kinalabasan ng planong ito.

Tila isang conveyor belt papuntang bahay-katayan ang tinawiran ng BOOM dahil nakaabang pala sa kanilang bababaan si crashies, na pulido sa pag-tap ng kanyang Vandal.


Isang natatangi at nakakatawang ace ang itinala ni crashies kontra BOOM Esports

crashies at OpTic Gaming
Credit: Riot Games

Sa Round 11 ng kanilang laro, tinangka ng BOOM Esports na mag-execute sa A ngunit napaatras sila ng mga utility mula sa OpTic Gaming. Napagdesisyunan nilang gamitin ang ropes para sa mabilis na rotation at pag-secure ng control sa kabilang side ng mapa.

Sa kasamaang palad, nag-push na si Jimmy “Marved” Nguyen sa B Main at may suspetya na ang North American squad sa kung ano ang nangyayari.

Sa kabilang side ng mapa, naghihintay si crashies at nasipat ang mga tumatawid na miyembro ng BOOM. Isa-isa niyang pinagbabaril ang mga ito habang naka-ADS sa Vandal. Parang mga marionette na naputulan ng tali ang Indonesians. At mula sa round na ito ay nadikta na ang pace sa mga natitirang rounds.



Kinuha nila crashies at OpTic ang 13-3 victory sa Fracture at 2-1 scoreline naman sa serye para ma-set up ang dwelo laban sa LOUD. Sa isang tweet matapos ang match, sinabi ni crashies: “The best ace of my career!”

“All of a sudden, from the side of my eye, I see people on rope on the radar,” kwento naman ni Pujan “FNS” Mehta sa post-game interview. “And [crashies] just started shooting. He didn’t say a word.”

Nagulat din ang kanyang kakampi na si Jaccob “yay” Whiteaker sa nangyari. “I’ve never seen that before. Not in ranked, not in scrims,” sabi niya sa ONE Esports. “For it to happen in a match in the most important Valorant tournament, that’s pretty cool.”

Credit: BOOM Esports

Para naman sa BOOM Esports, maging sila ay natawa na lang sa nangyari. Ilang sa kanilang mga manlalaro ang namataang humahagikgik matapos ang kakaibang ace.

Bagamat one-sided ang laban sa Fracture, nagawa naman ng BOOM na itulak ang OpTic sa kanilang hangganan sa unang mapa na Breeze. Pumabor sa pambato ng APAC ang quintuple overtime game sa iskor na 18-16. Ngunit nanaig ang NA reps, 13-5, sa ikalawang mapa na Bind.

Para sa Valorant news, guides at highlights, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Pagsasalin ito sa Filipino ng artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.