Napagulo ni Astra ang Valorant agent meta simula nang sumali siya sa roster noong March. Papunta sa pinakaabang na Valorant Champion Tour (VCT) Stage 2 Masters sa Reykjavik, Iceland, naniniwala ang mga European teams na Fnatic at Team Liquid na ‘overrated’ si Astra.

Sa isang pre-tournament press conference na hinost ng Riot Games, ibinahagi ng Fnatic IGL (in-game-leader) na si Jake “Boaster” Howlett at ang superstar player ng Team Liquid na si Adil “ScreaM” Benrlitom ang kanilang saloobin tungkol sa kontrobersyal na controller agent sa Valorant.

Naniniwala si Boaster na mas mabuti pa si Brimstone kaysa kay Astra 

Credit: Fnatic

Noong tinanong kung bakit stuck ang Fnatic kay Brimstone habang ang ibang teams ay isinali ang pinakabaong controller agent sa kanilang team composition, sinabi ni Boaster na hindi na kailangan si Astra.

“I think her ultimate [Cosmic Divide] is just useless. I don’t see it being good whatsoever,” paliwanag ni Boaster.

Nakikita ng IGL ng Fnatic ang halaga ng kaniyang Astral Stars sa mapa at ang kaniyang Gravity Well bilang isang magandang kagamitan, ngunit dumaan na ang ibang teams sa oras na ginagamit ang kaniyang ability.

Ibinahagi rin ni Boaster na mas hilig niya laruin si Brimstone para sa Fnatic.

“The fact that I’m the IGL (in-game-leader) also helps, since I come up with the [strategies], and he improves our T (attacker) side. That’s why we use Brimstone — he’s cooler, his smokes are better, I like him.”

Tingin ni ScreaM na overrated si Astra

Credit: Team Liquid

Noong tinanong kung ano ang mas gustong gamitin na controller agent ng Team Liquid, tingin ni ScreaM na overrated si Astra. “I think she’s good but not as good as people say. We are really good with Brimstone. He’s a really good agent if you know how to use him.”

Ibinahagi rin ni ScreaM kung bakit gumagamit ng ibang controller agents ang Team Liquid. “It [takes] time to get used to playing Astra. We didn’t feel like playing this agent. No one in our team wanted to play this agent. So, we’re sticking with Brimstone and Omen. It’s very basic, but it’s working [well].”

Ang pick rate ni Astra sa VCT Stage 2 Challengers Final 

Bilang ito ay ang pinakabagong agent na dinagdag sa roster, tumaas ang kaniyang pick rate simula nang maging eligible siya para sa pro play. Sa North American region, nagkaroon siya ng 71.6& pick rate at 50.9% win rate sa VCT Stage 2 Challengers Final.

Pinaguusapan rin ang agent na ito sa Southeast Asian Stage 2 Challengers Final. Naniniwala ang mga teams na siya ay iang must-pick agent. Si Astra ang pang-apat na pinakasikat na agent sa VCT SEA Stage 2 Challengers Final, at siya ay nagkaroon ng pick rate na 43.4% at 60.6% win rate.

Sa VCT Europe Stage 2 Challengers Final naman, nagkaroon siya ng mababang pick rate, 33.9% at 47.6% win rate. Ngunit mayroon mga rehiyon na mas hindi siya pinipili kumpara sa Europe. Hindi rin siya sikat sa mga Japanese, Korean, at Brazilian na rehiyon. Ang rehiyon lang na gumamit sa kaniya sa kanilang agent composition maliban sa NA at SEA ay ang Latin America.