Kung pagod ka nang mabulag dahil sa flash ng mga kalaban sa Valorant, baka si Viper na nga ang agent para sa’yo.

Isang Valorant player na nagngangalang hippopanda ang nagbahagi sa Reddit na maaaring gamitin ang Poison Cloud ni Viper na pampigil sa flash ng kalaban kung gagamitin sa tamang oras.

Paano kontrahin ang flash gamit ang Poison Cloud ni Viper

Valorant Viper
Credit: Riot Games

Ayon sa mechanics sa likod ng counter flash, ano mang uri ng flash na maa-activate sa loob ng area-of-effect circle ng Poison Cloud ni Viper ay hindi makakabulag.

Kailangan ng players na i-activate ang smoke pagkaputok ng flash, kung kaya kailangang pakinggang maigi kung kalian bibitaw ng flash ang kalaban. Kaya ring kontrahin ng Poison Cloud ang isang perfectly timed na pop flash ni Yoru.

Ang nag-iisang flash na kayang makalusot sa Poison Cloud ay ang kay Omen dahil ito ay tumatagos sa mga harang papunta sa target.

Ang ideya ay ibato ang Poison Cloud papunta sa direksyon na paruruonan ng kalaban upang ibato ang kanilang flash. Ang pangontrang ito ay mabisa laban kina Phoenix at Reyna dahil maaari lamang silang magbato ng flash nang malapitan, kung kaya mas madali itong abangan at asahan.

Ang mga flashes nina Breach, KAY/O, Skye, at Yoru ay maaaring ibato ng malayuan kung kaya mas mahirap hulihin sa Poison Cloud ang mga pambulag na ito.