Si Daniel “vice” Kim ng Andbox ang isa sa mga nangungunang in-game-leaders (IGL) sa North American Valorant. Kamakailan ay ibinahagi nya ang kanyang personal guide kung paano mag-entry frag role sa Valorant.

Ipinaliwanag ni Andbox vice kung ano ang entry frag role sa Valorant

Valorant Cloud9Vice
Credit: Cloud9

Ipianaliwanag ng dating Cloud9 IGL na ang entry frag players ang mga unang agents na pumapasok kung ang team nyo ay may sinusubukang kunin na site. Kailangan nilang malinis ang lahat nang anggulo hangga’t maaari, habang ang kanyang mga kasama ay susuporta sa pagbato ng utility smoke para makuha ang site.

“Entry fraggers should understand they’re playing a selfless role, and doing so, they may have rough games,” ibinahagi ni Andbox vice. “However, if they don’t play their role properly, then it will most likely be a huge detriment to the team’s performance on the attack half.”


Ang top 5 entry frag Valorant agents ayon kay Andbox vice

Ipinaliwanag nyang ang pinakamahuhusay na entry frag agents ay may gap-closing ability, na lilikha ng sapat na espasyo para sa kanyang team.

Pinaliwanag din ni Andbox vice na kakailanganin mong gamitin ang halos lahat ng iyong abilities sa pagkuha ng site kung ikaw ang entry agent. Nangangahulugan na kakailanganin mong umasa sa abilities ng iyong mga teammates para sa post-plant.

  1. Jett
Valorant JettRetakeCinematic
Credit: Riot Games

Si Jett ang nangungunang agent para kay Andbox vice dahil sa space na kaya nyang likhain para sa team. Kaya rin nyang magbigay ng cover gamit ang kanyang Cloud Burst smokes.

  • Raze
Valorant ValorantMobileRaze
Credit: Riot Games

Si Raze ay may parehong gap-closing ability tulad ni Jett sa pamamagitan ng kanyang Sachets. Meron din syang angle-clearing abilities gamnit ang kanyang Paint Shells at Boom Bots.

  • Phoenix
Valorant PhoenixGameplayTrailer
Credit: Riot Games

Sa kabuuan, bagay na bagay sa entry fragging ang kit ni Phoenix, ayon kay Andbox vice. Ang Curveball ng agent na ito ay maaring gamitin upang ma-clear ang maraming angles, ang kanyang Hot Hands molly ay epektibo para ma-cut off ang mga choke points, at ang kanyang Fire Wall ay magandang pang-cover.

Kaya nyang mag-engage ng walang takot dahil sa kanyang Run It Back ultimate, na kung tutuusin ay ginagawang six versus five ang round.

  • Yoru
Valorant Yoru KeyArt
Credit: Riot Games

Pang-apat si Yoru dahil gap-closer ang kanyang teleport at kayang mag-clear ng multiple angles ang kanyang mga flashes. Mababa ang kanyang rank sa agent list na ito dahil sa kanyang footsteps na hindi nakakatulong sa team entry, at ang kanyang ultimate ay mas ginagamit para sa pagkuha ng information.

  • Reyna
Valorant Reyna Header
Credit: Riot Games

Panghuli sya sa listahan dahil pwedeng i-disable ang kanyang flash. Ang iba nyang abilities ay umaasa sa kanyang kills kung kaya’t bihira silang magamit sa entry situations.


Paano gumaling sa entry frag role

Hinimay ni Andbox vice ang tatlong pinakaimportanteng skills na kailangang pagtuunan ng mga Valorant players sa pagiging entry fragger.

1. Flicking, tracking, and speed

Kailangang malaman ng entry fraggers ang pagkakapwesto ng defenders. Ito ang dahilan kung bakit importante ang crosshair placement. Sa pag-clear ng lahat nang possibleng lugar, matutukoy ng players kung nasan ang mga kalaban.

Ibinahagi rin ni Andbox na makakatulong sa tatlong skills na ito ang pagpa-practice sa game client ng Aim Lab.

2. Cognition and perception

Dapat ay may plano sa kanilang isip ang mga entry fraggers. Kabilang dito ang ruta ng pag-atake, pwesto ng depensa, at kung anong utility ang dapat gamitin ng iyong teammates para sa’yo. Nakakatulong sa koordinasyon ng team ang pagkakaroon ng plano bago pa magsimula ang round.

3. Precision

Ang pagkapanalo ng mga rounds sa attacker side ay may malaking kinalaman sa success rate ng entry fragger. Kapag nanalo ang entry fragger sa duel, tataas ang tsansang manalo ang pagsugod, kabaligtaran din naman ang mangyayari kung matalo ito.

“If the entry fragger dies for free, then the defenders have a big advantage,” sabi ni Andbox vice. “Entry fraggers should be mechanically skilled since they’re playing the duelist role.”

Panoorin ang buong Valorant entry frag guide ni Andbox vice dito: