Kakabili mo lang ba ng bagong Valorant weapon skin bundle pero kulang ang ‘yong Radianite Points para ma-unlock ang lahat nang effects nito?
Huwag mag-alala, may ilang paraan para makakuha ka ng free Radianite Points!
Ano ang Radianite Points?

Screenshot by Nigel Zalamea
Ang Radianite Points (RP) ay ginagamit upang ma-upgrade ang mga weapon skins sa Valorant. Kabilang sa mga upgrades na ito ang VFX, audio, animations, finishers, at color variants.
Iba pa ito sa Valorant Points, na ginagamit bilang in-game currency na pang-unlock ng mga bundles, weapon skins, player cards, gun bundles, at agents.
Free Radianite Points mula sa Battle Pass

Screenshot by Nigel Zalamea
Ang pinakakaraniwang paraan para makakuha ng Radianite Points ay sa pamamagitan ng mga Battle Pass. Ang bawat isa ay nago-offer ng 160 RP upang ma-unlock mo ang 50 tiers, kasama na ang epilogue.
Ang mga players na hindi bumili ng 1,000 VP Battle Pass ay makakakuha pa rin ng 30 RP sa free chapter rewards.
Paano i-claim ang free Radianite Points sa Amazon Prime Gaming

Nakipag-partner ang Riot Games sa Amazon upang mamigay ng in-game rewards sa ilang buwan ng taon. Ang mga rewards na ito ay maaaring gun buddies, skins, at free Radianite Points.
Kakailanganin ng Prime Gaming membership para ma-claim ang Valorant rewards. Nago-offer ang Amazon ng “free 30-day trial of Prime” na maaari mong gamitin.
- Mag-login sa iyong Amazon Prime Gaming account.
- I-click ang “Try Prime” sa top right ng webpage.
- I-link ang iyong Riot Games account sa iyong Amazon account.
- I-claim ang iyong free reward.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.