May mga pagkakataon na nagiging frustrating ang mag-comeptitive queue sa Valorant.
Bagamat nauna nang pinaliwanag ng Riot Games kung bakit hindi ka makaalis-alis sa rank mo, may mga tanong pa rin patungkol sa kung paano nga ba gumagana ang ranked MMR sa Valorant.
May smurf queue ba? Nakaka-apekto ba ang nilalarong mong agent sa nakukuha o nawawalang Rank Rating (RR)? Bakit mas konti ang nakukuha mong RR kesa sa ka-duo mo?
Buti na lang, sinagot ni Jonathan “EvrMoar” Walker, Senior Competitive Designer ng Valorant, ang mga tanong na ‘to. Sa isang detalyadong post sa Reddit at Twitter, ipinaliwanag ni EvrMoar kung paano nga ba kina-calculate ang ranked MMR sa Valorant at kung paano patuloy na ini-improve ng Riot Games ang kanilang sistema para sa mas accurate na matchmaking.
Anong pagkakaiba sa pagitan ng MMR mo at ng rank rating mo?

Gumagamit ng dalawang bagay ang Valorant – ang tagong MMR at ang naka-public na rank rating – para mapagdesisyunan kung saang laro ka ilalagay. Importanteng tandaan na ang magkaiba ang MMR sa rank na nakikita mo sa laro. Kung nagre-reset ang rank kada Episode, hindi naman nagbabago ang MMR, kaya ito ang pinagbabasihan ng Riot kung saan ka ilalagay tuwing may bagong Episode.
Nais ni Riot na magka-match ang rank mo sa MMR mo. Kung mas mataas ang rank mo mesa sa MMR, maaaring mas maraming RR ang mawala sayo at mas onti ang matanggap para maibaba ka sa ranggo na akma sa kanilang sistema.
Kung mas mababa naman ang rank mo kesa sa MMR, mas marami kang matatanggap na RR at mas onti ang mawawala.
Anong nagde-determine sa ranked MMR sa Valorant?

Nahahati pa sa dalawa ang ranked MMR sa Valorant: Encounter at Win/Loss.
Encounter MMR ang bahala sa kung paano ka nagpe-perform kontra sa mga players sa kalabang team. Pasok dito ang mga naipanalong duels, damage, assists, at kung gaano ka-epektibo ang pag-gamit mo ng ability. ‘Pag dating sa duel, kinukumpara rin ng laro ang rank mo at ng kalaban para i-reward o i-penalize ka depende sa resulta ng dwelo.
Mas simple naman ang konsepto ng Win/Loss MMR dahil tinitignan lang nito kung kanino ka nananalo.
“It’s nice using a combination of both because we can tell how effective you are in your games against people around your MMR, as well as how often you win. We get the best of both systems,” ani EvrMoar.
Sa mas mabababang ranks, mas tutok ang laro sa Encounter MMR kaya’t mas mahalaga kung paano ka mag-perform sa bawat laro. Sa mas matataas na ranks naman, mas mahalaga ang mga labang naipapanalo kesa sa mga dwelo.
“This is because at the high ranks reaction time and aim start to even out, or become less impactful,” paliwanag ni EvrMoar.
‘Di rin nakaka-apekto ang agent na ginagamit sa MMR ayon kay EvrMoar kaya’t walang pabor kung panay duelist ang gagamitin para makakuha ng mas maraming kills at mas mataas na MMR.
Wala ring bearing ang Average Combat Score (ACS) na lumalabas sa dulo ng laban sa rank o MMR sa Valorant. “It’s just a stat used to give context to the match,” dagdag ni EvrMoar.
Paano nasisiguro ng Riot na akma rank sa skill?

Pero pano nga ba nalalaman ng laro na accurate ang MMR mo? Ani EvrMoar, sinisigurado raw ng kanilang sistema na ilagay ka sa mga laro kung saan 50 percent ang tsansa mong manalo.
“But if for some reason, the data shows us that these players are losing on average more than they are winning, we would then know these players are rated incorrectly based on something,” paliwanag niya.
“We can then reverse the math to figure out why the MMR is inaccurate. After making adjustments, we run the MMR system through those matches again, and if the new MMR adjustments accurately predict match outcome, we’ve improved the system.”
Kinlaro rin ni EvrMoar na walang hidden system ang laro gaya ng haka-hakang winners and losers queue, o maging ang smurf queue. ‘Pag iniimbestigahan nila ang mga report ng isang manlalarong mabilis nakakapagpataas ng MMR, kadalasan ito raw ay dahil “[they are] grouped with the different people and played differently on both accounts.”
Para sa karagdagang balita at guides tungkol sa Valorant, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: