Mas liliit ang playing field sa Valorant Champions 2022.

Sa Group A, nakagawa ng dalawang malaking upsets ang LATAM squad na Leviatán nang talunin nila ang Paper Rex at Team Liquid upang maging unang team na makapasok sa playoffs.

Samantala, nabasag na rin sa wakas ng North American powerhouse na OpTic Gaming ang sumpa ng kanilang maalat na simula sa mga international events, sa kanilang paglabas mula sa group stage na may malinis na 2-0 record. TInalo ng mga kampeon ng Masters Reykjavik 2022 ang BOOM Esports at LOUD, upang masiguro ang top seed sa Group B.

Sa Group D naman, ang DRX ang unang team na nakapag-secure ng kanilang pwesto sa susunod na stage. Matapos talunin ang FURIA Esports, nakakuha ang Korean squad ng kanilang unang panalo laban sa isang North American team, tinalo nila ang 100 Thieves 2-0.

Tanging dalawang teams lamang mula sa bawat isa sa apat na groups ang aabante papunta sa double-elimination playoffs bracket.


Aling mga teams ang nakapasok sa Valorant Champions 2022 playoffs?

DRX Valorant Champions 2022 playoffs
Credit: Riot Games

Narito ang walong teams na nakapag-secure ng kanilang spot sa playoffs.

Ang mga qualified teams ay magpapatuloy sa kanilang tournament run sa September 9.

TEAMGROUPREGION
LeviatánALATAM
Team LiquidAEMEA
OpTic GamingBNorth America
LOUDBBrazil
XSETCNorth America
FunPlus PhoenixCEMEA
DRXDKorea
FnaticDEMEA

Ang prize distribution ng tournament ay inaasahang katulad ng sa nakaraang taon, kung saan ang mananalon sa tournament ay mag-uuwi ng US$350,000 prize money, ang malaking bahagi ng US$1 million prize pool.

Ang lahat nang matches ay mapapanood nang live sa official Twitch at YouTube channels ng Valorant.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.