Ang OpTic Gaming ang unang North American team na nakakuha ng spot sa VCT NA Stage 2 Masters Copenhagen ns gaganapin sa July.

Itinumba ng team ang umaasang XSET sa score na 3-1 sa upper bracket final sa VCT NA Stage 2 Challengers playoffs, kasabay ng pag-book ng kanilang ticket papuntang Denmark.

Naging mas kahanga-hanga ang resultang ito sa kadahilanang ang ilan sa mga miyembro ay kasalukuyang nakikipaglaban sa COVID-19, kabilang na ang in-game leader na si Pujan “FNS” Mehta at Austin “crashies” Roberts.

Pati ang star player na si Jaccob “yay” Whiteaker ay nagsususpetsa rin na nahawaan siya ng corona virus, ngunit nagpursigi pa rin ang team at kinuha ang panalo nang walang pag-aalangan.

OpTic Gaming binalewala ang COVID-19 upang matalo ang XSET

OpTic Gaming Yay Masters Reykjavik 2022
Credit: Riot Games

Delikado ang naging itsura ng series para sa OpTic noong una dahil natalo sila sa kanilang unang map pick na Haven 13-7.

Gayunpaman, ipinamalas ng team ang kanilang experience at composure. Hindi sila natinag sa sumunod na tatlong maps, kung saan kinuha nila ang Icebox, Ascent, at Breeze upang tapusin ang laban.

Ipinakita rin ni yay kung bakita siya na marahil ang pinakamahusay na Chamber sa buong mundo. Pambihira ang kanyang ipinakita sa Icebox, kung saan nanguna siya sa server map na may nakakaluhang 34 kills, kabilang na dito ang kanyang Ace sa Round 2. Ang kanyang teammate na sumusunod sa kanya, si Jimmy “Marved” Nguyen, ay nasa kalahati lamang ng kanyang puntos na 17 kills.



Pumalag ang XSET sa Ascent, kung saan nagmukhangh mapanganib ang mga bagay-bagay para sa OpTic nang matapos ang unang half. Mabagal ang naging simula nina FNS at ng kanyang mga kasama sa kanilang matumal na 3-9 attacking half, ngunit hindi nila sinukuan ang ikalawang half gamit ang kanilang napakalinis na depensa na nagbigay sa kanila ng sampung rounds na kailangan nila.

Bumomba naman ang OpTic Gaming sa huling map na Breeze. Kinuha ng mga Masters Reykjavik 2022 champions ang mapa 13-6, kung saan Jett ang gamit ni Victor “Victor” Wong. Sa kabila ng pagiging bayani ni Matthew “Cryocells” Panganiban ng XSET sa kanyang Operator, hindi nila nagawang pigilan ang Green Wall.

Nakakaguklat ang katatagang ipinakita ng OpTic sa best-of-five series na ito na nilaro nila sa kabila ng mga simtomas ng COVID-19. “COVID was hitting our guys hard,” sabi ni yay sa Twitter pagkatapos ng match. “FNS was saying shit like ‘I can’t breathe’ mid round. Actually insane he and crashies were able to still perform.”

Malinaw na ang OpTic Gaming pa rin ang team to beat sa North America – layunin nilang ipagtanggol ang kanilang championship title sa Copenhagen sa susunod na buwan at sigurado na rin ang kanilang spot sa Valorant Champions sa darating na September.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.