Napuno ng surpresa at upsets ang group stage ng VCT NA Stage 2 Challengers. ‘Yung mga koponang inaasahang mangibabaw noong mga nakaraang stage ay nakipagpukpukan noong huling linggo, habang ang iba naman ay na-eliminate na.

Samantala, ang dalawang koponang nag-top sa kani-kanilang grupo–100 Thieves at Evil Genisues–ay natagpuan sa ilalim ng kanilang grupo sa Stage 1.

Naisahan naman ng Evil Geniuses noong Week 3 ang Masters Reykavik 2022 champions na OpTic Gaming, isang matinding upset mula sa koponang hindi man lang nakakuha ng panalo noong Stage 1 group stage.

Bigo namang makapasok sa playoffs ang Stage 1 heavyweight na Cloud9. Bigo silang makakuha ng panalo simula noong i-trade nila si Son “xeta” Seon-ho para kay Rahul “curry” Nemani ng T1. Ito rin ang sitwasyon ng Sentinels na walang pa ring labang naipapanalo sa kanilang grupo.

Kumpletong listahan ng mga koponang pasok sa VCT NA Stage 2 Challengers playoffs

Lahat ng koponang qualified sa VCT NA Stage 2 Challengers playoffs
Credit: Riot Games

Walong koponan ang nakapasok sa VCT NA Stage 2 Challengers playoffs. Magsisimula ang laban sa ika-16 ng Hunyo para sa dalawang spots sa VCT Stage 2 Masters Copenhagen sa Hulyo.

KOPONANGRUPOMATCH RECORD (W-L)MAP RECORD (W-L)ROUND DIFFERENTIAL
100 ThievesA3-16-2+31
Ghost GamingA3-16-3+27
XSETA3-16-3+9
TBDATBDTBDTBD
Evil GeniusesB3-16-3+21
OpTic GamingB3-17-3+19
LuminosityB3-16-3+2
FaZe ClanB2-24-4+4

Masi-seed sa modified double-elimination bracket ang mga koponan. Makakatanggap ng bye sa ikalawang round ng upper bracket ang top seeds mula sa dalawang grupo. Sa lower bracket naman magsisimula ang kampanya ang fourth seed ng bawat pangkat.

Samantala, maghaharap naman ang second seed at third seed mula sa magkabilang grupo para malaman kung sino ang aabante sa upper bracket at kung sino ang malalaglag sa lower bracket.

Lahat ng laban ay best-of-three, maliban sa upper final, lower final, at grand final na best-of-five.

Ang huling playoff spot ng VCT NA Stage 2 Challengers playoffs sa Group A ay paglalabanan ng NRG at The Guard sa ika-12 ng Hunyo.


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.