Matapos ang kanilang kahanga-hangang performance sa VCT Stage 1 Masters Reykjavik, walang kaduda-duda na ang OpTic Gaming ang pinakamahusay na Valorant team sa buong mundo.

Nakahanap ng tagumpay ang team kay Neon, na umaasa sa sakto sa tyempong utility usage mula kay KAY/O at Breach, upang matulungang makahanap ng mga openings para kay Victor “Victor” Wong.

Sa VCT NA Stage 2 group stage, naglabas din ang OpTic ng panggulat na Yoru pick sa Ascent, na nagpakita pa rin ng kanilang nakakabilib na coordination upang tulungan si Victor na makapasok at ligtas na makapag-teleport.

Ngunit ang teamwork at chemistry na tulad nito ay hindi bast nakukuha ng mabilisan. Sa bagong episode ng The OpTic Podcast, ipinaliwanag ni Jimmy “Marved” Nguyen kung paano tumatakbo ang practice routine ng OpTic, na nagsilbing isang malaking bahagi ng kanilang tagumpay.

OpTic Gaming naka-focus sa pagperpekto ng kanilang game plan

OpTic Gaming Masters Reykjavik Champions
Credit: Riot Games

Diumano, ang mga resulta ng mga scrims ay hindi mahalaga para sa OpTic. Habang ang mga fans ay sabik na makasilip sa mga nagaganap na scrims sa kanilang Friends List ng iba’t ibang mga streamers at pros, hindi ganon kaimportante ang mga resulta.

Walang pakielam ang OpTic kung manalo o matalo man sila sa mga games sa practice. Sa halip, mas binibigyan nila ng pansin ang pagperpekto ng kanilang mga set routines at executions, para malinis ang anumang mali sa kanilang game plan. Isang oras bago magsimula ang practice, nilalatag ni coach Chet “Chet” Singh ang mga routine na dapat paglaanan ng team ng oras para sa araw na iyon.

“If we want to work on retakes, site executes, or defaulting, we make sure we focus on it during scrims,” paliwanag ni Marved.

Subalit hindi ito palaging madali para sa OpTic, at marami na rin silang naipatalong games sa practice dahil sa diskarteng ito. “The worst for us is when we’re working on something and the other team is trying their hardest,” sabi ni Marved.

“We know we can shit on them, but Chet’s like ‘No just work on it,’” dagdag pa niya.

Kung ikukumpara, ang mga teams na tumatrato sa mga scrims bilang mga do-or-die official matches ay maaring hindi gaanong matuto mula sa practice. Maaari din silang mahirapan na ayusin ang mga pagkakamali kung hindi nila kikilalanin ang mga bagay na kailangang bigyan ng pansin sa mga games.

Ang OpTic ay kasalukuyang nasa Dallas, Texas para sa VCT NA Stage 2. Ang team ay nag-eensayo limang beses sa isang linggo, kung minsan ay anim pa, sabi ni Marved. Ang bawat araw ay binubuo ng anim hanggang pitong oras na practice, at malaking bahagi nito ay nakalaan para sa scrims.

Mabisa ang kanilang masistemang diskarte upang maging mas mahusay. Winalis ng OpTic ang LOUD 3-0 sa grand finals ng Masters Reykjavik 2022 at kasalukuyang 3-0 sa VCT NA Stage 2 group stage.


Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.