Kapag nag-pop off si Victor “Victor” Wong, mahirap nang mapigilan ang OpTic Gaming. Sa kasamaang-palad para sa XERXIA Esports, nag-init si Victor sa kanilang Group B decider match a Masters Reykjavik 2022.

Kakaibang lakas ang ipinakita ni OpTic Gaming Victor gamit ang kanyang pocket Neon, nanguna siya sa server na may 291 Average Combat Score (ACS) at 43 kills. Nakakuha siya ng 10 first bloods, mahigit sa doble ng nagawa ng karibal na duelist na si Thanachart “Surf” Rungapajaratkul na gumamit ng Jett.

Kinuha ng OpTic Gaming ang series 2-0 upang umabante sa sa playoffs, kasabay nito ang kanilang paghihiganti matapos matalo sa kanilang opening match sa kamay ng Thai team. Ang dalawang squads ay 2-2, matapos ang apat na pagkikita sa group stage ng Valorant Champions 2021 at Masters Reykjavik 2022.

Si OpTic Gaming Victor ang nagdikta ng bilis ng laro sa kanyang Neon

OpTic Gaming Victor Marved
Credit: Riot Games

Bagama’t mukhang nag-aalangan ang OpTic sa kanilang unang pagkikita ng XERXIA sa Iceland, mataas ang kumpyansa na ipinakita ng team sa kanilang rematch.

Sa kabuuan ng series, tila hindi handa ang XERXIA sa mga tyempo ni OpTic Gaming Victor sa kanyang Neon. Palagi niyang nahuhuling nakanganga ang mga kalaban sa Fracture at Haven, na nagsilbing mga entry picks upang magbukas ng rounds para sa kanyang team.

“It forces us to rotate faster and try to push through smokes to help our teammates,” sabi ni Thanamethk “Crws” Mahatthananuyut ng XERXIA tungkol sa Filipino speedster. “We’re not used to how fast Neon runs into site, so we’re a bit unsure how to deal with her properly.”

Sa madiskarteng paggamit ng Fast Lane at High gear sprint ni Neon, nagawa ni Victor na bulabugin ang XERXIA at agawin ang mga sites. Nagbigay siya ng pressure sa mga lugar na hindi nila inaasahan, at palaging wala sa posisyon ang XERXIA sa tuwing magbibitaw ng play ang OpTic.

Nang tanungin kung paano niya paulit-ulit na nakuha ang first kill, sinabi ni OpTic Gaming Victor na nagtagumpay siya sa tulong ng kanyang mga teammates.  “As Neon, I rely heavily on my teammates to create space for me,” paliwanag niya. “We use KAY/O or Breach on some maps, and their utility allows me to just run in.”

“I know [the enemy] can’t kill me because we’re using utility on those spots.”

Tinuon ng OpTic Gaming ang kanilang atensyon sa kanilang rematch laban sa North American top seed na The Guard sa playoffs, na kanilang napagtagumpayan sa score na 2-1.

Makikita ang buong schedule para sa Masters Reykjavik 2022 dito. Ang lahat nang matches ay mapapanood nang live sa official Valorant Twitch at YouTube channels.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.