Ang mga interactive narrative object na makikita sa pinakabagong mapa na Fracture ay paraan ng Riot Games para maikwento ang lore ng Valorant.

Ang Valorant ay kinabibilangan ng mga nakakaintrigang larger-than-life character at ang paparating na Act ang senyales ng pagdating ng mga lore-centric interactive narrative object na pwedeng makita sa buy phase bago magsimula ang mga round.

Sa ngayon ay may tatlo nito at pwede itong ma-activate ng mga player sa pamamagitan ng pagpindot ng “F” key.


Lokasyon ng mga interactive narrative oject sa Fracture

LokasyonInteractive Object
Attacker Side BridgeLevel 5 Security Clearance for Paul Delmann
Defender Side SpawnWelcome to Everett-Linde e-mail
Defender Side SpawnDouble Check e-mail

Attacker Side Bridge

Credit: Riot Games
Screenshot ni Nigel Zalamea/ONE Esports

Ang unang interactive narrative object ay makikita sa mabatong high ground sa Attacker Side Bridge. Kailangan gamitin ng mga attacker ang zipline sa mapa sa simula ng round para mapuntahan ito.

Kapag pinindot ang object, makikita na ito ay level 5 security clearance para kay Paul Delmann.

Matatandaan na siya ang “Employee of the Year” ng Kingdom mula sa Episode 2: Formation, Act 2 Battle Pass. Ang “Goood job, Paul!” player card ay may berde at gintong bersyon.

Maaalala rin si Paul mula sa kusina sa Icebox kung saan binati siya dahil sa kanyang pagiging “Employee of the Month”.


Defender Side Spawn

Credit: Riot Games
Screenshot ni Nigel Zalamea

Ang Defender Side Spawn ang marka kung saan nahahati ang Fracture sa dalawa. Nagkataon na dalawa ang interactive narrative object dito. Ang isa ay mensahe mula kay Oran McEneff para sa isang taong nagngangalang Ruben Pontes patungkol sa isang device na tinatawag na Radian Collider.

Credit: Riot Games
Screenshot ni Nigel Zalamea

Ang isa naman ay mensahe rin pero ngayon ay nagmula sa K-SEC Team patungo kay Oran McEneff. Binanggit nito na si Ruben Pontes ang “Omega partner” ni McEnnef at nakatakda silang magkita sa labas ng ng ’07/a’ sa susunod na araw sa ganap na 9 a.m. o 0900 military time.

Pinapahiwatig ng dalawang interactive narrative object na ‘to na ang lore ng Valorant ay umiikot sa hiwalay na universe na may Earth-1 at sa mirrorverse na nakita natin sa Duality cinematic na nilabas ng Riot Games.


Magkakaroon ang Fracture ng mas marami pang interactive narrative object sa hinaharap

Credit: David Nottingham

Ayon kay David Nottingham, ang creative diretor ng Valorant, maaaring asahan ng mga player na may lalabas pang mga bagong story element sa Fracture matapos ang bawat patch. Hindi ito ang unang beses na nakita natin ang Riot Games na magpalit ng mga parte sa isang mapa bago ilabas ang bagong element.

Matatandaan na si Killjoy ay pinahiwatig sa isa sa mga tindahan sa Split. Binago rin nila ang itsura ng A-site sa Icebox noong ni-release si Yoru.

Parehong nagkaroon ng Easter Egg sila Astra at KAY/O sa Haven at Breeze ilang araw bago sila idagdag sa laro.

Ang mga interactive narrative object na ito sa Fracture ay maaaring mga clue sa paparating na agent o kaya naman bagong mapa sa hinaharap. Pwede kayang ang superstar employee ng Kingdom na si Paul Delmann ang susunod na agent sa Valorant?

Ang mga story element na ito ay ia-update matapos ang kada patch kaya kailangan natin maghintay para masagot ang mga katanungang ito tungkol sa Valorant lore.

Ang akdang ito ay base sa orihinal na artikulo ni Nigel Zalamea ng ONE Esports.