Pinalitan ng Valorant roster ng Team Envy ang kanilang signature navy jersey para sa black, green, at white ng OpTic. Ang Envy ay maglalaro na sa ilalim ng OpTic Gaming banner, sa isang rebrand na inanunsyo ng North American organization.

Pumutok ang balita habang naghahanda ang Team Envy para sa VCT NA Stage 1 Challengers Main Event.

Unang nakipagsanim-pwersa ang OpTic Gaming sa Call of Duty League team ng Envy na Dallas Empire noong November ng nakaraang taon, sinundan ito ng Halo roster noong buwan din na iyon. Mula noon, nakatutok na ang atensyon ng Green Wall na makuha ang Valorant team ng Envy, at ang rebrand ang nagmamarka ng ikatlong team na mapapasama sa organisasyon sa loob ng apat na buwan.

Sa nakaraang dekada, napagtibay na ng OpTic ang kanilang pangalan sa larangan ng FPS, kaya’t di nakakapagtakang pasukin din nila ang shooter ng Riot dahil sa patuloy na pagsikat ng game.

Isa sa mga nangunguna sa North American region ang organisasyon. Ang in-game leader na si Pujan “FNS” Mehta, kasama ang kanyang troop, ay isa sa apat na teams na nakatanggap ng direct invites sa paparating na VCT NA Stage 1 Challengers, base sa kanilang matibay na performance sa VCT 2021.

Rebrand ng Team Envy papuntang OpTic Gaming

Valorant Yay Team Envy VCT Stage 3 Masters Berlin
Credit: Riot Games

Ang rebranding ay unang na-leak ni ValorIntel, na tinukoy ang dagdag na bagong OpTic jersey sa kanilang website, tampok sina FNS at Victor Wong.

Ang pagbabagong ito ay ginawa namang opisyal ng lahat nang dating Team Envy players sa Twitter, kung saan dinagdag nila ang OpTic tag sa kanilang mga pangalan. “OpTic got me into esports. Glad to be representing them now,” tweet ng star duelist na si Jaccob “yay” Whiteaker.

Para kay coach Chet Singh, ito ay isang pagbabalik sa Green Wall, bilang dating coach ng CS:GO players ng organisasyon.

Ang takeover na ito ay bahagi ng rebuilding process para sa Frisco Texas-based organization at sa patuloy nitong pagpapalawak at pagdagdag ng mas maraming games.

OpTiC Gaming Valorant roster

  • Pujan “FNS” Mehta
  • Jimmy “Marved” Nguyen
  • Victor “Victor” Wong
  • Austin “crashies” Roberts
  • Jaccob “yay” Whiteaker
  • Chet “Chet” Singh (Coach)

Layunin ng team na muling manumbalik ang kanilang paghahari sa North America sa Stage 1 Challengers Main Event at siguraduhing makuha nila ang pinag-aagawang pwesto sa susunod na playoffs stage.

Walang pagbabago sa kanilang roster mula noong VCT Champions noong nakaraang December, ngunit consistent ang kanilang mga runs sa playoff brackets sa mga VCT tournaments sa kahabaan ng taon, kabilang na ang kanilang matibay na second-place finish sa VCT Stage 3 Masters Berlin.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.