Handa na ang North American region upang simulang ang bagong 2022 Valorant season sa January 27 sa VCT NA Stage 1 Challengerss first open qualifier.

Inanunsyo rin ng Riot Games na ang mga sumusunod na teams ay aabanate na sa Stage 1 Main Event:

Ang apat na teams ay napili base sa kanilang 2021 VCT cicuit points standings, kung saan tatlo sa kanila ay lumaban sa Valorant Champions.


Ano ang VCT NA Stage 1 Challengers?

Valorant Sentinels Day 4 VCT Stage 3 Masters Berlin
Credit: Riot Games

Ang VCT NA Stage 1 Challengers ang unang competition ng 2022 season sa North American region. Meron itong dalawang phases, ang open qualifiers, at ang regular season format.

Ang pinakamahuhusay na teams sa North American region ay maglalaban-laban para makapasok sa unang Valorant Masters event ng taon, kasabay nang pagkuha ng VCT circuit points para sa Valorant Champions event sa pagtatapos ng taon.


VCT NA Stage 1 Challengers schedule at resulta

Valorant Gambit Esports Team Envy VCT Stage 3 Masters Berlin
Credit: Riot Games

Open Qualifiers

Ang unang open qualifiers ay magaganap mula January 27 hanggang 30, habang ang ikalawang open qualifier naman ay magaganap mula February 3 hanggang 6. Ang bawat qualifier ay magbibigay ng apat na Main Event slots at magkakaroon ng 128-team bracket.

Main Event

Ang Stage 1 main Event ay magsisimula sa February 11 gamit ang bagong regular season format, kung saan 12 qualified teams ang maglalaban-laban para sa kanilang mga pwesto sa playoffs.

Playoffs

Ang playoffs ay magsisimula sa March 17, tampok dito ang walong teams na maghaharap para sa dalawang slots na nakalaan para sa North American region sa unang Masters ng VCT 2022 season.


Format ng VCT NA Stage 1 Challengers

Valorant Team Envy VCT Stage 3 Masters Berlin
Credit: Riot Games

Ang dalawang open qualifiers ay magkakaroon ng apat na Main Event spots na paglalabanan ng mga kasali sa sa 128-team bracket. Ang lahat nang squads ay lalaban sa single-elimination format hanggang sa 32 na lang ang matira, kung saan magiging double-elimination na ang format.

Sa main event ay magkakaroon ng 12 qualified teams na hahatiin sa dalawang grupo an may tig-anim na squads. Sasabak sila sa round robin best-of-three matches, matapos ito ay aabante ang top eight teams papuntang playoffs.

Ang playoffs ay magkakaroon ng double-elimination bracket kung saan ang mga matches ay best-of-three, maliban sa lower bracket finals at grand finals na magiging best-of-five.

Ang bagong Valorant agent na si Neon ay maaari nang gamitin sa competitive play sa VCT NA Challengers 1 sa January 25.


Teams na lalaban sa VCT NA Stage 1 Challengers

Valorant Cloud9 Vision Strikers Valorant Champions
Credit: Riot Games
TEAMQUALIFICATION
Sentinels2021 VCT circuit points
Envy2021 VCT circuit points
Cloud92021 VCT circuit points
100 Thieves2021 VCT circuit points
TBDTBD
TBDTBD
TBDTBD
TBDTBD
TBDTBD
TBDTBD
TBDTBD
TBDTBD

Saan mapapanood ang VCT NA Stage 1 Challengers

Valorant 100 Thieves Hiko at VCT Stage 3 Masters Berlin
Credit: Riot Games

Mapapanood ng mga Valorant fans ang mga matches nang live sa official Twitch at YouTube channels ng Riot Games:

CHANNELPLATFORM
ValorantTwitch
Valorant Esports 2Twitch
Valorant Esports 3Twitch
Valorant EsportsYouTube

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.