Palapit na nang palapit ang ikalawang Valorant LAN event ng Riot Games para sa taong ito.
Habang ang ilang rehiyong kasali sa VCT ay naglalaban-laban pa sa kanilang Stage 2 Challengers regional tournaments, namayagpag na ang Guild Esports at Fnatic mula sa EMEA region bilang mga unang teams na nag-qualify para sa Masters Copenhagen sa July.
Pinanalo ng Guild at Fnatic ang kanialng VCT EMEA Stage 2 Challengers playoffs upper bracket semifinals matches at umabante sa upper final. At dahil sigurado na ang top-three finish para sa dalawang teams, garantisado na sa kanila ang tig-isa sa tatlong slots ng EMEA sa Masters Copenhagen.
Ang sampung natitirang slots ay nananatiling bakante habang nagsasagupaan ang pinakamahuhusay na teams sa buong mundo upang malaman kung sino sa kanila ang lilipad patungong Denmark.
Buong listahan ng mga teams na qualified para sa VCT Stage 2 Masters Copenhagen 2022
Rumaragasa ang Fnatic sa kahabaan ng buong Stage 2, naging undefeated sila sa VCT EMEA Stage 2 Challengers group stage, tapos ay tinalo rin nila ang Stage 1 champions na FunPlus Phoenix sa upper bracket semifinals upang mag-qualify sa kanilang pang-apat na Masters event.
Samantala, ang Guild Esports ay nakatakdang makatungtong sa kanilang unang international Valorant LAN event, matapos nilang talunin ang M3 Champions 2-0 sa upper bracket semifinals.
Sa North America naman, nangunguna ang OpTic Gaming at XSET sa mga nag-qualify sa VCT NA Stage 2 Challengers playoffs. Nakatakda sialng magharap sa upper final, kung saan ang mananalo ay aabante papuntang Masters Copenhagen.
Ang mga Brazilian contenders na LOUD at Ninjas in Pyjamas naman ang nangunguna sa kanilang rehiyon matapos magdomina sa kani-kanilang mga groups sa VCT Brazil Stage 2 Challengers group stage.
At panghuli, malakas pa rin ang Paper Rex sa APAC, kung saan nanguna sila sa group stage ng VCT APAC Challengers playoffs.
QUALIFIED TEAMS | REGION | PLACEMENT |
Fnatic | EMEA | 1st place in VCT EMEA Stage 2 Challengers |
FunPlus Phoenix | EMEA | 2nd place in VCT EMEA Stage 2 Challengers |
Guild Esports | EMEA | 3rd place in VCT EMEA Stage 2 Challengers |
XSET | North America | 1st place in VCT NA Stage 2 Challengers |
OpTic Gaming | North America | 2nd place in VCT NA Stage 2 Challengers |
DRX | Korea | 1st place in VCT Korea Stage 2 Challengers |
Northeption | Japan | 1st place in VCT Japan Stage 2 Challengers |
Paper Rex | APAC | 1st in VCT APAC Stage 2 Challengers |
XERXIA Esports | APAC | 2nd in VCT APAC Stage 2 Challengers |
LOUD | Brazil | 1st place in VCT Brazil Stage 2 Challengers |
Leviatán | Latin America | 1st place in VCT Latin America Stage 2 Challengers |
KRU Esports | LATAM/Brazil | 1st place in LATAM and Brazil Stage 2 Challengers playoffs |
Hindi pa inaanunsyo ng Riot Games kung ang mga top squads na magtatapos sa unang pwesto sa kani-kanilang mga Stage 2 Challengers regional tournaments ay direktang aabante na sa Masters Copenhagen playoffs, katulad ng nangyari sa Masters Reykjavik.
Naging malaking surpresa ‘yun sa Stage 1 Challengers, kung saan hindi alam ng mga teams tulad ng OpTic Gaming na lumalaban pala sila para sa isang playoffs spot sa Masters Reykjavik nang makaharap nila ang The Guard sa VCT NA Stage 1 Challengers playoffs grand finals.
Ang Stage 2 Masters ay gaganapin sa Copenhagen, ang kabisera ng Denmark, mula July 10 hanggang 24, tampok ang 12 sa mga pinakamahuhusay na teams sa buong mundo.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.