Namamayagpag ang Valorant action sa EMEA region. Simula na ng VCT EMEA Stage 2 Challengers Main Event ngayong weekend kung saan maghaharap-harapn ang mga top teams mula sa iba’t ibang rehiyon upang subukan ang kanilang husay at paglabanan ang spot para sa susunod na Masters event.
Ang top 10 teams mula sa Stage 1 ay magbabalik sa EMEA group stage, kasama din ang FOKUS at BIG, ang top two teams mula sa VCT EMEA Challengers Promotion tournament.
Anim na teams ang aabante papuntang playoffs, kung saan paglalabanan nila ang tatlong spots para sa susunod na international Valorant LAN.
Ano ang VCT EMEA Stage 2 Challengers Main Event?
Ang VCT EMEA Stage 2 Challengers ay ang ikalawa at huling competition ng 2022 season para sa mga teams na nakabase sa Europe, Middle East, at Africa.
Ang competition ay binubuo ng apat na phases: ang bagong Valorant Regional League (VRL), ang EMEA Challengers Promotion, ang regular season, at ang playoffs.
Hindi tulad ng VCT NA na umaasa sa open qualifiers, ang mga bagong teams na nagnanais na makakuha ng pwesto sa EMEA Main Event ay kinakailangan munang manalo sa kani-kanilang VRL at Challengers Promotion tournament.
Ang VRL system ay unique sa EMEA region, kung saan ang Spain, France, Northern Europe, Eastern Europe, MENA, Turkey, at DACH (Germany, Austria, and Switzerland) ay nag-host ng kani-kanilang sariling tournaments.
Ang mga nanalo sa bawat VRL tournament ay umabante sa VCT EMEA Challengers Promotion tournament, kung saan sinamahan sila ng BIG at SuperMassive Blaze, ang dalawang teams na nag-tie sa 11th at 12th place sa VCT EMEA Stage 1 Challengers.
Ang top two teams mula sa VCT EMEA Challengers Promotion tournament, ang FOKUS at BIG, ay nag-qualify naman para sa VCT EMEA Stage 2 Challengers.
Tampok sa Stage 2 Challengers ang pinakamahuhusay na teams mula sa Europe, CIS, at Turkey, na lahat lumalaban upang makapasok sa ikalawang international Masters event ng taon, bukod pa dito ang mga napakahalagang VCT circuit points na makakatulong sa kanila na makasungkit ng pwesto upang makasali sa Valorant Champions event sa pagtatapos ng 2022.
VCT EMEA Stage 2 Challengers schedule at mga resulta
Main Event
Ang Stage 2 Main Event ay gaganapin mula May 13 hanggang June 12. Sa 12 teams, anim lang ang aabante papuntang playoffs.
VCT EMEA Stage 2 Challengers Standings
Group A
STANDINGS | TEAM | RECORD |
1st | Fnatic | 5-0 |
2nd | Acend | 4-1 |
3rd | FunPlus Phoenix | 3-2 |
4th | G2 Esports | 1-4 |
5th | FOKUS | 1-4 |
6th | OG LDN UTD | 1-4 |
Group B
STANDINGS | TEAM | RECORD |
1st | Guild Esports | 4-1 |
2nd | Team Liquid | 4-1 |
3rd | M3 Champions | 2-3 |
4th | Natus Vincere | 2-3 |
5th | BIG | 2-3 |
6th | BBL Esports | 1-4 |
Week 1
May 13
TEAM | RESULTS | TEAM |
BBL Esports | 2 – 1 | Natus Vincere |
May 14
TEAM | RESULTS | TEAM |
OG LDN UTD | 0 – 2 | Acend |
Fnatic | 2 – 1 | FunPlus Phoenix |
May 15
TEAM | RESULTS | TEAM |
Team Liquid | 2 – 0 | BIG |
Guild Esports | 2 – 0 | M3C |
May 16
TEAM | RESULTS | TEAM |
G2 Esports | 2 – 0 | FOKUS |
Week 2
May 20
TEAM | RESULTS | TEAM |
BBL Esports | 0 – 2 | Team Liquid |
May 21
TEAM | RESULTS | TEAM |
OG LDN UTD | 0 – 2 | Fnatic |
FunPlus Phoenix | 2 – 0 | G2 Esports |
May 22
TEAM | RESULTS | TEAM |
BIG | 1 – 2 | Guild Esports |
Natus Vincere | 1 – 2 | M3C |
May 23
TEAM | RESULTS | TEAM |
FOKUS | 1 -2 | Acend |
Week 3
May 27
TEAM | RESULTS | TEAM |
Team Liquid | 1- 2 | Guild Esports |
May 28
TEAM | RESULTS | TEAM |
OG LDN UTD | 2 – 1 | G2 Esports |
BIG | 1 – 2 | Natus Vincere |
May 29
TEAM | RESULTS | TEAM |
Acend | 0 – 2 | Fnatic |
BBL Esports | 0 – 2 | M3C |
May 30
TEAM | RESULTS | TEAM |
FOKUS | 0 – 2 | FunPlus Phoenix |
Week 4
June 3
TEAM | RESULTS | TEAM |
Acend | 2 – 1 | G2 Esports |
June 4
TEAM | RESULTS | TEAM |
Natus Vincere | 1 – 2 | Team Liquid |
BIG | 2 – 0 | M3C |
June 5
TEAM | RESULTS | TEAM |
OG LDN UTD | 0 – 2 | FunPlus Phoenix |
BBL Esports | 0 – 2 | Guild Esports |
June 6
TEAM | RESULTS | TEAM |
FOKUS | 0 – 2 | Fnatic |
Week 5
June 10
TEAM | RESULTS | TEAM |
Acend | 2 – 1 | FunPlus Phoenix |
June 11
TEAM | RESULTS | TEAM |
M3C | 0 – 2 | Team Liquid |
Natus Vincere | 2 – 1 | Guild Esports |
June 12
TEAM | RESULTS | TEAM |
FOKUS | 2 – 1 | OG LDN UTD |
BIG | 0 – 2 | BBL Esports |
June 13
TEAM | RESULTS | TEAM |
Fnatic | 2 – 1 | G2 Esports |
Format ng tournament
Sa Main Event ay mahahati ang 12 qualified teams sa dalawang grupo na may tig-anim na teams. Maglalaban sila sa isang single round robin format, kung saan ang bawat match ay lalaruin sa isang best-of-three series.
Ang top three teams sa bawat grupo ay aabante papuntang playoffs, kung saan ang mga first-place teams ay bibigyan ng opening bye.
Mga teams na lalaban sa VCT EMEA Stage 2 Challengers
Upang matukoy kung paano mahahati ang mga groups para sa VCT EMEA Stage 2 Challengers, ang 12 teams ay hinati sa dalawang pools, na binubuo ng mga Stage 1 playoff teams sa Pool 1 at Stage 1 teams na nalaglag sa Stage 1 Group stage sa Pool 2.
Binunot naman ang mga teams nang salitan, simula sa Pool 1 at sinundan ng Pool 2. Ang nabubunot na team ay inilalagay sa mga groups nang salitan hanggang sa mapuno ang mga ito.
Group A
TEAM | QUALIFICATION |
G2 Esports | VCT EMEA Challengers 1 |
Fnatic | VCT EMEA Challengers 1 |
FunPlusPhoenix | VCT EMEA Challengers 1 |
Acend | VCT EMEA Challengers 1 |
OG LDN UTD | VCT EMEA Challengers 1 |
FOKUS | VCT EMEA Promotion |
Group B
TEAM | QUALIFICATION |
Guild Esports | VCT EMEA Challengers 1 |
Team Liquid | VCT EMEA Challengers 1 |
M3 Champions (ex-Gambit Esports) | VCT EMEA Challengers 1 |
Natus Vincere | VCT EMEA Challengers 1 |
BBL Esports | VCT EMEA Challengers 1 |
BIG | VCT EMEA Promotion |
Saan mapapanood ang VCT EMEA Stage 2 Challengers?
Mapapanood ng mga Valorant fans ang mga matches nang live sa official Twitch at YouTube channels ng Riot Games:
CHANNEL | PLATFORM |
Valorant Esports | Twitch |
Valorant Esports 2 | Twitch |
Valorant Esports 3 | Twitch |
Valorant Esports | YouTube |
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.