Tiningala bilang bagong pag-asa ng North America ang The Guard matapos nilang pangibabawan ang VCT NA Stage 1 matapos talunin ang mga higante tulad ng OpTic Gaming at Cloud9.

Kaso nga lang, bigo silang maipakita ang parehong gilas sa una nilang international LAN event. Nag-settle lang kasi sa 7th-8th place ang koponan sa Masters Reykjavik 2022 sa kabila ng pagkatalo kontra OpTic Gaming at Paper Rex.

Bakas ang hirap na dinanas ng The Guard kontra kinatawan ng Southeast Asia. Dalawang mapa, Haven at Split, lang kasi ang kinailangan ng Paper Rex para talunin sila.

Naging hadlang ang kakulangan sa karanasan ng The Guard, sambit ng head coach na si Matthew “mCe” Elmore sa VALORANTING, at ang aggressive playstyle kung saan kilala ang Paper Rex ay hindi na masyadong nakikita sa North America.

Kinatay daw ng Paper Rex ang The Guard, pag-amin ni mCe

'Di raw kasing husay ng Paper Rex ang NA teams na gumagaya sa kanila, ani mCe ng The Guard
Credit: The Guard

Nagsimula ang lahat sa pagkatalo nila kontra OpTic sa quarterfinals, ayon kay mCe. Bigo sa unang mapa na Icebox ang koponan pero nakabwelta sa Haven. Kaso nga lang, sa Fracture, ang ikatlo at huling mapa, bigo silang masara ang 10-4 lead na una nilang naitala.

Hinayaan nilang makabawi ang OpTic, na kalauna’y hinirang bilang kampeon, para manalo sa mapa sa iskor na 13-11.

Nahirapan ang The Guard na tanggapin ang pagkatalo lalo na’t mukang tiyak na ang kanilang tagumpay hindi lang sa mapa, kung hindi sa serye. Sa lower bracket, nakaharap nila ang Paper Rex na hindi man lang sila pinaporma.

“If we didn’t choke on map three you would have potentially seen an entirely different Iceland result from us,” ani mCe. “We would have been in a better spot for the PRX game.”

Naglaro para hindi matalo ang The Guard, imbes na para manalo, pagbabalik-tanaw ng kanilang head coach. “I chalked that one up to a lot of inexperience and PRX just playing like FaZe on crack,” dagdag niya.

'Di raw kasing husay ng Paper Rex ang NA teams na gumagaya sa kanila, ani mCe ng The Guard
Credit: Riot Games

Kilala ang orihinal na FaZe Clan roster sa pagiging agresibo noong nagsisimula pa lang ang Valorant. Tampok sa kanilang “smeaging” strategy, na pinangungunahan ni Andrej “babybay” Francisty, ang pagtakbo sa loob ng mga site nang walang takot. Napagana nila ito, dahilan para makasungkit sila ng mga panalo kontra malalakas na koponan sa kanilang rehiyon.

Ngayon, bibihira na ang parehong aggression at playstyle. Kung meron pa man, hindi na raw kasing husay ang mga ito, ‘di tulad ng Paper Rex, sabi ni mCe.

“If you look at that game Jinggg absolutely killed us. He was just on fire the entire match,” kwento ng 31-taong-gulang na coach patungkol sa 18-taong-gulang na star na si Wang “Jinggg” Jing Jie. “They just absolutely murdered us.”

Susubukang bumawi nina mCe at kanyang koponan sa VCT NA Stage 2 Challengers group stage. Nakuha na nila ang una nilang panalo sa Week 3 kontra TSM matapos ibalik ang nakasanayan nilang agent roles.

Magaganap ang huli nilang laban sa ika-12 ng Hunyo, kontra NRG.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ang Stranger Things actress na ito ay isa ring Valorant streamer