Si Wang “Jinggg” Jing Jie ang itinatagong alas ng Paper Rex sa Masters Reykjavik 2022.

Pagkatapos ng nakakabilib na performance ng kanyang Reyna kung saan nagmukhang nakakatakot ang Mexican duelist, agad namang nagpakitang gilas ang 18-anyos laban sa The Guard sa lower bracket.

Nanguna sa server si Paper Rex Jinggg sa kanyang nakakaluhang 52 kills sa dalawang maps at Average Combat Score (ACS) na 331. Maaaring sa Iceland nga ang kanyang international LAN debut, pero wala siyang ipinakitang bakas ng kaba.

Walang ipinakitang takot si Jinggg laban sa top seed ng North America, kung saan tinulungan niya ang kanyang team na makuha ang 2-0 na panalo at pauwiin ang The Guard. Sa attacking half ng Paper Rex sa Split, mag-isang sinigurado ni Jinggg na makuha ang final round ng half para sa Paper Rex gamit ang walang mintis na ace ng kanyang Raze.

Walang takot si Paper Rex Jinggg

Masters Reykjavik 2022 Day 7 Jinggg
Credit: Riot Games

Sa Split, naghahanda ang Paper Rex na puntitryahin ang A site. Nagpakita ng matinding presensya ang team papuntang A Heaven, kung saan pumasok sina Jinggg at Jason “f0rsakeN” Susanto.

Mabilis na pumitas ng tatlong kills sa A Alley ang Raze player, bago niya ginamit ang Showstopper ultimate at mag-push papunta sa Vents. Dahil dito ay napilitan si Jacob “valyn” Batio, na kasalukuyang nagpaplanong mag-flank mula sa Vents, na gumamit ng From The Shadows ultimate ni Omen upang lumipat sa Alley at samahan si Trent “trent” Cairns.

Nang subukan ng The Guard duo na agawin ang Heaven, naghihintay na sa kanila si Jinggg. Humilera sila para sa kanya, at mabilis silang naitumba upang ma-secure ang ace.

Si Jinggg ang nangingibabaw na player sa kabuuan ng series, nas may total na 14 multi-kill rounds. Tabla sila ni f0rsakeN sa 11 first bloods, isa sa mga mahalagang sangkap ng hindi mapigilang pagsalakay ng Southeast Asian team, kahit pa sila ang nasa depensa.

Makikita ang buong schedule para sa Masters Reykjavik 2022 dito. Ang lahat nang matches ay mapapanood nang live sa official Valorant Twitch at YouTube channels.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.