Nananatiling bukas ang tanong kung sino ang best Valorant team sa NA kahit na ilang linggo na ang nakalipas sa group stage at playoffs matches sa VCT NA Stage 1 Challengers. Habang sa tingin na marami na ang Cloud9 ang pinakamalakas na kalaban para sa titulo, may ibang kandidato sa isip ang star duelist ng Sentinels na si Tyson “TenZ” Ngo. 

Ayon kay TenZ, ang upstart North American team The Guard ang best Valorant team sa rehiyon. 

Punong-puno ng mga batang talento, malaki ang inangat ng team na ito. Nanggaling sila sa pagiging hindi kilalang teams at naging isa sa pinaka-kinakatakutan na rosters sa North America sa loob lang ng iilang buwan. 

Pinangunahan ng Overwatch phenom na si Ha “Sayaplayer” Jung-woo at rising star na si Trent “trent” Cairns, napatumba ng The Guard ang mga bigating teams tulad ng Sentinels sa kanilang journey papunta sa Masters Reykjavík

Ipinaliwanag ni TenZ kung bakit best Valorant team ang The Guard sa NA 

Noong tinanong kung anong team ang sa tingin niya ay the best ngayon, hindi na nagisip pa si TenZ ng sagot. “I actually think The Guard is the best team right now,” sinabi niya nang walang duda. 

“They are the best team in terms of working together really, really well. They are kind of like NA’s version of Gambit Esports,” dagdag niya, at tinukoy niya ang kasalukuyang M3C roster na kilala sa kanilang mga clutch plays sa harap ng mga malalaking score line deficits. 

Sa katotohanan, noong nakipag-scrim ang Sentinels laban sa kanila, makakakuha lang sila ng 3 rounds, ayon kay TenZ. “It was just really hard, the way they played,” sabi niya. 

Binigay ng 20-year-old pro ang mga komentong ito kahit na natalo rin ang kaniyang team sa Version1 at OpTic Gaming sa VCT NA Stage 1 Challengers group stage at playoffs. 

Isang win nalang ang kulang ng The Guard para makapag-international debut na sa Masters Reykjavík sa April. Haharapin nila ang OpTic Gaming sa upper final ng playoffs sa March 26. 

Panoorin ang livestream sa opisyal na Twitch at YouTube channel ng Riot Games.