Matagal nang katanungan sa first-person shooter genre kung ano ba ang dapat mong gamitin, mababa o mataas na sensitivity?

Binibigyan ka ng control at precision ng low sensitvity samantalang mas madali ang pag-track ng kalaban gamit ang high sensitivity. Sa tactical shooters tulad ng Valorant kung saan mas kaunti ang tracking kumpara sa mga laro tulad ng Apex Legends, mas karaniwang inirerekomenda na babaan ang iyong sensitvity para mapaganda ang iyong tutok.

Sa kabila nito, makakakita ka ng mga professional players na nasa magkabilang panig.

Sa kanyang stream kamakailan, inihayag ni OpTic Gaming star Jaccob “yay” Whiteaker sa naturang isyu. Ayon sa kanya, nakadepende ito sa kung gaano karaming oras ang kaya mong ilaan sa pagpa-practice.


Anong mas maigi, mababa o mataas na sensitivity? Ibinihagi ni yay ang kanyang opinyon

yay ng OpTic Gaming
Credit: Riot Games

“I will say you probably get more consistency out of a lower sensitivity,” wika ni yay. “I used to play on a really high sensitivity for a while, and you have to play a lot to get it consistent.”

“You have to play a ton because there’s a lot of very small, micro adjustments.”

Hinihikayat din ng mas mababang sensitivity ang mas madalas na paggamit ng braso para sa mas smooth at mas consistent na adjustments. Sa kabilang banda, pinapaboran naman ng mas mataas na sensitivity ang paggamit ng iyong wrist.



Gumagamit si yay ng mababang sensitivity na 800 DPI at 0.27 in-game sensitivity, ayon sa kanyang Twitch profile. Nagta-translate ito sa 216 eDPI, na basically ay ang iyong mouse DPI multiplied by in-game sensitivity. Isa itong sukatan na ginagamit para ma-standardize ang magkakaibang DPI at sensitivity combinations, at madaling mapagkumpara ang mga ito.

Ang average na eDPI ng mga Valorant pros ay 280, ayon sa ProSettings. Ang mga manlalaro tulad ni Spencer “Hiko” Martin ay nasa higher end ng range gamit ang 576 eDPI habang si Nabil “Nivera” Benrlitom ng Team Liquid naman ay nasa kabilang banda gamit ang 138 eDPI.

Ano pa man ang sabihin, ang mouse sensitivity ay isa pa ring personal choice. Bagamat pwede mong gamitin ang settings ng pros bilang gabay, dapat mo pa ring piliin kung ano ang pinakamainam para sa iyo.

Maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa Valorant news, guides at highlights.


Salin ito ng artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.