Purihin ang mga bagong hari.

Ang Paper Rex ang kampeon sa unang VCT Pacific League matapos nilang talunin ang DRX 3-2 sa grand final.

Kailangang mag-isip ng malalim ang Singaporean esports team, at nagawa nilang magapi ang kanilang mga Koreanong katunggali sa pamamagitan ng isang nakakabilib na reverse sweep.

Nakamit ng PRX ang malaking premyong nagkakahalaga ng US$100,000 at pati na rin ang pangunahing puwesto sa VCT Pacific para sa Masters Tokyo, na magaganap mula June 11 hanggang 25.

Ang tagumpay ng koponan sa grand final ay tinulungang makamit ni Ilya “something” Petrov, ang karagdagang miyembro ng PRX sa mid-season. Siya ang tinanghal na MVP ng laban dahil sa kanyang 95/64/25 KDA performance.

Ang magkabilang koponan ay unang nagharap sa upper bracket final, kung saan nakuha ng PRX ang malinaw na 2-0 na panalo. Ang DRX ay nakapasok sa grand final matapos ang matinding 3-2 na panalo laban sa T1 sa lower bracket final. Narito ang nangyari sa kanilang mainit na laban sa grand final.


Agresibong playstyle ng Paper Rex naghari sa sa VCT Pacific League

Paper Rex VCT Pacific League
Credit: Riot Games

Ang PRX ay nakatikim ng sa isang malinaw na pagkatalo 13-6 sa Fracture habang ipinakita ng DRX ang kanilang natatanging husay sa pagtutok at taktikal na talino, na nagdala sa kanila ng 9-3 na kalamangan sa halftime. Handang-handa sina Goo “Rb” Sang-min at Kim “stax” Gu-taek ng DRX sa maagang agresyon ng PRX.

Sa pamamagitan ng pagsisikap ni Rb sa kanyang Neon na nakaalalay sa likod ng mga stuns ni stax na gumamit ng Breach, madalas na nahuhuli ang PRX. Si Kim “Zest” Gi-seok ang nagseguro ng tagumpay para sa kanyang koponan, na pumigil sa momentum ng PRX sa attacker side. Binantayang mabuti ng nagbabalik na DRX veteran si Jason “f0rsakeN” Susanto at ang kanyang Neon sa pagkakaroon ng mahahalagang posisyon sa mapa at siyang naging instrumental sa pagpigil sa pag-usad ng PRX.

Mas lalo pang nadehado ang PRX matapos manalo ng DRX sa Ascent na may 16-14 sa kanilang map pick. Nagpakitang-gilas sina Zest, Rb, at Byung-chul “BuZz” Yu para sa kanilang koponan, na nagwagi sa mga mahahalagang round na humantong sa pagkakamit ng DRX ng matatag na 2-0 na pamumuno sa serye.



Sa kabila ng pagkakaipit sa mahirap na sitwasyon, bumawi ang PRX sa pamamagitan ng kahanga-hangang 13-3 na panalo sa ikatlong game ng serye. Nakamit nila ang malaking kalamangan sa Lotus, isang mapa na patuloy na binabalewala ng DRX sa kahabaan ng kanilang run sa VCT Pacific League.

Sa pamamagitan ng mga epektibong first-blood kills sa maagang bahagi ng laban, ito ang naging simula ng kanilang kahanga-hangang comeback sa grand final.

Naging matagumpay ang PRX sa madalas na paghadlang ni Wang “Jinggg” Jing Jie sa pagpasok ng DRX sa A rubble gamit ang Paint Shell grenade ni Raze. Dahil dito ay naiipit ang DRX sa iba’t ibang bahagi ng Lotus, na nagbibigay-daan sa PRX para madaling makasugod.



Napanatili ng PRX ang kanilang momentum sa ika-apat na mapa na Pearl. Bagaman hindi kasali si Benedict “Benkai” Tan, ang kanilang matagal nang in-game leader, nagkaroon pa rin ng mahuhusay na mid-round calls ang PRX na nagdulot ng pagbagsak ng depensa ng DRX.



May 8-4 na lamang ang PRX sa halftime, at hindi sila huminto. Ang kanilang momentum ang nagtulak sa kanila tungo sa kahanga-hangang tagumpay na 13-8 sa Pearl upang tablahin ang serye 2-2. Binanggit ng shoutcaster na si Seth “Achilios” King na ito rin ang unang talo ng DRX sa Pearl.

Gamit na gamit ng PRX ang kanilang momentum habang pumapasok sa Bind, ang ika-lima at huling mapa ng serye. Sa pagkakataong ito, si Khalish “d4v41” Rusyaidee ang nagpakawala ng kanyang husay simula pa lang ng game. Gamit nang kanyang Skye, nakakuha si d4v41 ng perpektong 10 KDA sa unang tatlong rounds.



Todo arangkada na ang PRX at tinapos ang halftime na may 9-3 na lamang. Patuloy nilang pinipigilan ang mga set plays ng DRX sa pamamagitan ng kanilang mga maingat na pag-atake na pinangungunahan ni something.

Tila delubyo ang PRX sa tuwing pumapasok sila sa kahit na anong site, at walang sagot ang DRX sa kanila. Nakuha ng PRX ang trono ng VCT Pacific matapos manalo ng 13-6 sa Bind.



Ang kamangha-manghang run ng Paper Rex sa VCT Pacific ang nagpatibay ng kanilang katayuan bilang pinakamahusay na koponan sa rehiyon, at sila ay isang koponan na dapat abangan sa Japan kapag nagkaharap-harap na ang lahat nang mga pangunahing koponan mula sa mga imternational leagues sa Masters Tokyo.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.