Ginulat ni Matthew “Wardell” Yu ng TSM ang lahat nang palitan niya ng Sage ang kanyang agent na Jett sa VCT NA Stage 3 Challengers 2 Open Qualifier, at gawin ang isa sa mga pinakamalupit na Sage walls na nasaksihan natin sa Valorant.
Itinuturing syang isa sa mga pinakamahuhusay na Jett players sa buong mundo dahil sa kaniyang pambihirang paggamit ng Operator nang mangibabaw ang TSM sa North American scene bago pa magsiomula ang Valorant Champions Tour.
Naidagdag pa ni TSM Wardell ang Sage wall sa kanyang arsenal sa professional play, at marami tayong matututunan sa kung paano nya gamitin ang mga abilities ng agent.
Naisalba ni TSM Wardell ang kanyang Valorant team gamit ang nakakabilib na Sage wall sa Ascent

Nakaisip si Wardell ng paraan na magamit ang Sage wall sa aggressive play, taliwas sa karamihan nang mga Valorant players na ginagamit ito bilang delay tactic.
Bilang isang Operator main, advanced sya mag-isip at laging ina-anticipate kung nasaan pupwesto ang kalaban, nang sa gayon ay mapatay nya ang mga ito nang one hit lang.
Karamihan ng mga Operator users ay gumagamit ng Jett dahil kaya nyang pumwesto sa mga delikadong lugar at gumamit ng Tail Wind palayo pag nalagay sa alanganin. Binaligtad ni Wardell ang prinsipyong ito, at ginagawa nyang mas delikado para sa mgha kalaban ang i-contest ang kanyang posisyon gamit ang Sage wall at mga slow orbs.
Ipinakita ito ni TSM Wardell nang malagay sa bingit ng pagkakalaglag mula sa qualifier ang kanyang team sa score na 11-11 sa Ascent.
Sa simula ng Round 23, ginamit ng TSM FTX stand-in Sova na si Aleko “Leviathan” Gabuniya ang kanyang Recon Dart at nakitang papunta sa A-main ng Ascent ang team DarkZero.
Mabilis na naglagay ng Sage wall si TSM Wardell na may maliit na puwang kung saan maaari nyang makita ang mga paparating na kalaban.
Ginagamit ng mga players ang Sage wall bilang tungtungan para makakuha ng surprise kill. Alam ito ni TSM Wardell kung kaya’t naglagay sya ng konting anggulo para makabaril gamit ang maliit na puwang.
Dahil alam nyang papalapit na ang ibang DarkZero agents, nagbato si TSM Wardell ng slow orbs para hindi sya agad masilip ng mga ito. Ito ang tumulong sa kanya na makuha ang kinakailangan nyang apat na kills upang makuha ang round para sa TSM.
Pagkatapos ng match, ini-stream pa ni Wardell ang Sage wall play sa kanyang Twitch stream.
Nabasag na ng TSM ang sumpa ng VCT NA qualifier

Minsan nang itinuring na pinakamahusay na Valorant team ang roster nang manalo sila sa dalawang Ignition Series tournaments noong nakaraang taon.
Ngunit magmula noon, nahirapan na ang TSM sa kabuuan ng 2021 VCT season dahil hindi makapasok ang team sa Main Event o Playoff ng kanilang rehiyon.
Dahil sa panalong ito, nabasag na ang kanilang sumpa, nakapasok na ang team sa VCT NA Main Event tournament nang talunin nila ang DarkZero sa Icebox.
Bumalik si TSM Wardell sa paggamit ng Jett at tinapos ang game na may KDA na 20/11/5.

Ang Valorant roster ng TSM ay nakatakdang lumaban sa paparating na VCT NA Stage 3 Challengers 2 Main Event.
Ang top three teams sa VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs ang makakapasok sa VCT Stage 3 Berlin na gaganapin sa September 9, 2021.