Ibinahagi ng X10 star player na si Patiphan Chaiwong sa ONE Esports na hindi pa rin sya gumagaling mula sa tinamong wrist injury pitong buwan na ang nakakalipas.
Ibig sabihin nito, maglalaro ang X10 Esports sa paparating na VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs nang wala sya.
Update sa injury ni Patiphan, at kalian sya makakabalik

Ang 17-year-old prodigy ay dumaranas ng chronic ligament injury sa magkabilang wrist nang mahigit pitong buwan na ngayon. Ang injury na ito rin ang humadlang kay Patiphan na makapaglaro para sa X10 noong VCT Thailand Stage 3 Challengers noong July.
“Right now, I haven’t recovered from my injury, but I’m back to streaming a little because I miss the game,” sinabi ni Patiphan sa ONE Esports. “As for Stage 3, I think that it will not be possible to return to competition in time. I will come back to compete as quickly as possible.”
Ibinahagi rin nya na aabutin pa ng dalawang buwan bago sya tuluyang makasama sa normal practice ng kaniyang team. “I want to tell everyone, don’t worry. I’ll be back,” pahayag ni Patiphan.
Si Zeus ang magiging substitute ng X10

Ang X10 Esports coach na si Yuttanagorn “Zeus” Kaewkongya muna ang maglalaro sa active roster habang nagpapagaling si Patiphan. Nanalo ang team sa VCT Thailand Stage 3 Challengers 1 Main Event sa tulong ni Zeus.
Si Panyawat “sushiboys” Subsiriroj ang umako ng role bilang Jett duelist para sa X10, kung kaya’t ang paggamit ng dalawang sentinel agents ng team, na sina Cypher at Killjoy, ang magiging papel ni Zeus.
Ang X10 Esports ay nakatakdang lumaban sa VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs kung saan ang top two teams ay aabante papuntang VCT Stage 3 Masters Berlin.
Makakaharap nila ang mga nanalo sa VCT Stage 3 Challengers mula sa Thailand, Indonesia, Philippines, Vietnam, Hong Kong & Taiwan, at Malaysia & Singapore.