Ibinahagi ng superstar na si Tyson “TenZ” Ngo ang kanyang personal preference para sa kanyang PC settings pag naglalaro ng Valorant.
Kamakailan ay lumipat ang 20-anyos na pro player sa Texas upang samahan ang kanyang Sentinels teammates sa kanilang paghahanda para sa papalapit na VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs.
Ang paglipat ay nangangahulugan na gagamit si TenZ ng bagong computer, kung saan in-adjust nya ang PC settings para sa mas magandang performance at maayos na FPS (frames per second).
Ano ang FPS at bakit ito mahalaga sa Valorant?

Mahalaga ang FPS sa mga first-person shooters dahil pag mas mataas ito, mas swabe at mas responsive din ang game habang naglalaro.
At syempre, pag mababa ang FPS ay parang sinisinok at mabagal ang game. Sa laro na tulad ng Valorant, mahalaga ang bawat Segundo. Kapag bumagal ang game sa kalagitnaan ng bakbakan, siguradong nasa delikadong sitwasyon ka.
Optimized PC settings ni TenZ para sa Valorant

- I-right-click ang Valorant sa iyong desktop at buksan ang ‘properties.’
- Magpunta sa compatibility at siguraduhing naka-on ang ‘high DPI scaling overdrive’.
- Magpunta sa graphic settings at i-on ang ‘hardware-accelerated GPU scheduling.’
- I-click ang ‘browse’ at hanapin kung saan naka-install ang Valorant, at i-adjust ito sa ‘high-performance’.
- Magpunta sa NVIDIA at i-off ang G-Sync, tapos ay magpunta sa manage 3D settings at i-slide ang preference setting hanggang sa performance sa halip na quality.
- Pindutin ang start key at i-type ang ‘background apps’, i-off ito.
- Magpunta sa Windows update at i-click ang ‘delivery optimization’ para i-off ang ‘allow downloads from other PCs.’
- Siguraduhing updated ang iyong Windows 10 operating system.
- Buksan ang task manager at i-disable ang lahat nang unnecessary applications.
- I-off ang ‘News and Interests’ feature sa iyong Start Bar.
- Buksan ang ‘Power & Sleep’ mula sa iyong PC settings at magpunta sa additional power settings at i-set ito sa high performance.
- Siguraduhing naka-on ang Game Mode sa iyong PC settings, siguraduhin ding naka-off ang Xbox Game Bar.
Kung binabalak mong mag-upgrade ng PC para sa mas magandang Valorant experience, nirerekumenda ni TenZ na mas pagandahin ang CPU kaysa sa GPU.
“If you didn’t know, Valorant is actually CPU bound. If you actually want to increase your FPS, the best way to go about it is to get a better CPU,” sabi ni TenZ.
“I upgraded from a GeForce GTX 1080 Ti to a GeForce RTX 3090 and I gained 2 frames. Then switching from my Intel Core i7-8700K Processor to Ryzen 9 5900X, my FPS increased from 200 to 500,” dagdag pa nya.