Ibinunyag na ng Riot Games ang Protocol 781-A, ang kauna-unahang Valorant skin bundle ng 2022.
Pinakita ng bagon skin reveal trailer ang sleek at industrial na aesthetics na mukhang galing sa Terminator at Robocop ang mga weapons na ito.
Naka-schedule na ang release ng skin bundle na ito kapag maguumpisa na ang Episode 4: Disruption.
Ang kumpletong set at features ng Valorant skin bundle Protocol 781-A

Kasama sa bundle na ito ang mga weapon skins na ito:
- Melee
- Sheriff
- Spectre
- Bulldog
- Phantom
Unang na-leak online ang mga skins noong Jan. 7. Matapos lumabas ang mga imahe, nilabas na ng Riot Games ang opisyal na trailer ng Protocol 781-A, kung saan nakitang naghahanda ang mga robots na sakupin ang daigdig na may isang post-apocalyptic na theme.
Ang lahat ng mga weapon skins na kasama sa set ay may parehas na VFX element upgrades tulad ng Glitchpop bundle, kung saan lumalaki ang mga weapons kapag naka-equip.
Pinakita rin ng reveal trailer ang apat na kulay na pagpipilian para sa Sheriff. Mayroong ding dalawang knife animations ang melee na nagbabago kapag ginagamit.
Kakaiba ang Protocol 781-A dahil it ang pinaka-unang bundle na mayroong lokal na voice-over na kumakausap sa kaniyang user.
Para itong Skynet ng Terminator franchise, isang artificial superintelligence system na sumakop sa mundo. Mayroon pa itong sentry bot na bumabaril ng lasers bilang finisher animation niya.
Wala pang opisyal na halaga kung magkano ang bagong Valorant skin bundle na ito, ngunit ilalabas ito kasabay ang Valorant agent na si Neon at ang bagong Battle Pass nagumpisa na ang Episode 4: Disruption.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa Valorant.