Ang Paper Rex ang isa sa may pinakamahuhusay na roster sa Valorant. Sila ang tanging Southeast Asian representative sa VCT Stage 3 Masters Berlin dahil ang dating Bren Esports squad, na lumipat sa Team Secret, ay hindi nakabyahe para sa tournament.

Isang key member ng Paper Rex ang Singaporean pro player na si Zhang Teng “shiba” Toh, na tumulong sa team upang makarating sa ikalawang VCT Masters ng taon.

Ang hindi alam ng marami, sya lang ang tanging player sa VCT Masters Berlin na kinailangang magpaliwanag sa kanyang pamilya tungkol sa kanyang pagiging pro player, at kumbinsihin silang payagan syang lumipoad patungong Germany.

Tumulong ang Paper Rex na makumbinsi ang pamilya ni shiba na payagan syang maglaro sa VCT Stage 3 Masters Berlin

Valorant PaperRexShibaBenkaid4v4iVCTStage3MastersBerlin
Credit: Riot Games

Bilang mga runners-up ng VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs, nag-qualify ang Paper Rex para sa VCT Stage 3 Masters Berlin at nagsimulang maghanda para sa pinakamalaking esports tournament ng mga buhay nila.

Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports, ikinuwento ng Paper Rex team captain na si Benedict “Benkai” Tan na noon nya nalaman na hindi alam ng pamilya ni shiba na isa syang pro player, at isa sa mga pinakamahuhusay sa Valorant SEA region.

“Shiba comes from a traditional Chinese family. He never really found the right opportunity to tell his parents that this is what he does for a living,” kwento ni Benkai. “So, when we qualified for Berlin, we had to find a way to break the news to his parents.”

Ipinaliwanag ni Benkai at ng Paper Rex sa pamilya ni shiba na ang pagiging esports pro ay isa nang viable na propesyon sa Singapore. “Your son is one of the lucky ones, who is able to do that [as his career],” paliwanag ni Benkai sa mga magulang ni shiba.

Ipinaliwanag ni Benkai na viable career path ang pagiging isang pro player

Valorant PaperRexVCTStage3MastersBerlin
Credt: Paper Rex

Naniniwala ang team captain ng Paper Rex na mas madaling matanggap ng mga pamilya sa Southeast Asia ang pagkakaroon ng esports career kung mananalo sa isang malaking tournament ang isang Asian team.

“When an Asian team wins, others will get motivated and start making it their dream,” paliwanag nya. “They will shy away from it being a hobby and they will pursue it as a job.”

Nagbigay din ng pananaw si Benkai sa mga players na nagnanais magpatuloy sa pagiging pro. “It takes a lot more time than you think,” sabi nya. “You should be committed to spending a lot more hours than you think you would.”

Ibinahagi nya na ang mga aspiring pro players ay dapat self-motivated at kayang turuan ang sarili. Para gumaling, kailangang manood ng mga replays ng mga pinakamagagaling sa buong mundo.

Sinabi rin ng Singaporean pro player na mas gugustuhin nyang mag-ubos ng maraming oras sa paglalaro bilang kanyang trabaho, kaysa umupo sa loob ng opisina mula 9:00 a.m hanggang 5:00 p.m.

Haharapin ng Paper Rex ang SuperMassive Blaze ng EMEA sa elimination match ng Group A sa September 15, 9:00 p.m. GMT+8. Mapapanood ang mga matches live sa official Twitch and YouTube channel ng Valorant.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.