Bagamat ang pinaka-kapansin-pansin sa Valorant patch 5.03 ang masakit na nerfs sa lahat ng abilities ni Chamber, mayroon ding ‘di masyadong napag-uusapan na update na babaguhin kung paano ka mag-e-aim gamit ang ilang ultimates.

Mas sulit na ang mga ultimate nila Chamber, Jett at Neon ngayon kung mas pulido ang tutok dahil ang damage multiplier sa mga tira sa paa ng kalaban ay nabawasan.

Ang mga pagbabago ay nauna munang inilunsad sa pinakabagong Public Beta Environment (PBE) para sa Valorant patch 5.03, kasama ang nerfs kay Chamber.


Kailangan nang mas pulido ang iyong tutok sa paggamit ng ulti nila Chamber, Jett at Neon sa Valorant patch 5.03

Credit: Riot Games

Inilunsad na ng Riot Games ang tinutukoy nito na “regional damage” para sa Tour De Force ni Chamber, Blade Storm ni Jett at Overdrive ni Neon sa paglabas ng Valorant patch 5.03.

Nangangahulugan ito na ang damage ay magkakaiba depende sa body segment—katulad sa mga weapon—kaya naman gagantimpalaan ang mas pulidong tutok. Ang damage multiplier sa leg shots ay nabawasan kaya kailangan mong mag-aim sa upper body o sa ulo para mas mabilis na makapagtala ng kill.

Overdrive ni Neon

  • Pinababa ang damage per shot mula 22 patungong 18
  • Dinagdagan ang killzone mula 15m patungong 20m
  • Pinababa ang leg shot multiplier mula 1.0 patungong 0.85
  • Pinataas ang headshot multiplier mula 1 patungong 3

Tour De Force ni Chamber

  • Binawasan ang leg shot multiplier mula 1.0 patungong 0.85

Bladestorm ni Jett

  • Binawasan ang leg shot multiplier mula 1.0 patungong 0.85
Credit: Riot Games

Ang Overdrive ultiamate ni Neon ang nakatanggap ng pinakamalaking pagbabago dahil nagre-register na ito ngayon ng headshot damage. Dati, walang incentive sa pagtutok nito sa ulo, hindi gaya ng Bladestorm ni Jett, dahil pareho lang ang damage nito sa iba pang parte ng katawan.

Lalo pang nagpapalala sa epekto nito ay ang bawas sa damage per shot, na nangangahulugang kailangan mo nang pagtuunan ang ulo ng kalaban o kung hindi ay mas matagal ang time-to-kill. ‘Pag pinagsama-sama lahat, ang mga pagbabago ay magtataas ng skill ceiling sa paggamit ng Overdrive pero magbebenepisyo ito sa mga manlalarong pauunlarin ang kanilang tutok.

Valorant Neon nerfs
Credit: Riot Games

Ang mga pagbabago sa Tour De Force ay parte ng Chamber nerfs at pinupuwersa ito na mag-function na parang regular na Operator. Bago ito, ang Tour De Force ay nakaka-one shot kill sa kahit anong parte ng katawan.

Nakikita naman ang mga pagbabago sa Bladestorm ni Jett na may pinakamahinang epekto sa mga manlalaro.

Nilabas ang Valorant patch 5.03 nitong Martes, ika-9 ng Agosto.

Para sa Valorant news, guides at highlights, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.