Oras na para mag-load up ng mas marami pang Valorant Points! Maaaring maglagay ang Riot Games ng Valorant emotes sa hinaharap, ayon sa data miner na ValorLeaks, at pwede itong magbukas ng ibang paraan para ihayag ng mga manlalaro ang kanilang nararamdaman.

Mula noong i-launch ito noong 2019, nagbigay ang Valorant ng maraming pagpipilian pagdating sa sprays, na karamihan ay hango mula sa ating kinagigiliwang memes o gameplay tropes.

Bagamat ginagamit ng ilang manlalaro ang sprays para mang-taunt ng mga kalaban, may ibang ni-level up ito sa pamamagitan ng pangti-teabag o pag-spray sa katawan ng namatay na kalaban.

Valorant Episode 4 Act I Battle Pass Agent Down Spray
Credit: Riot Games

Ang usap-usapang Valorant emotes ay maaaring magbigay ng mas iba pang paraan para asarin ng mga manlalaro ang isa’t-isa. At dahil mayroon nang spray nagpapakita ng nanti-teabag na Tactibear, hindi naman siguro masamang hilingin na magkakaroon din ng emote na pwedeng gamitin para i-teabag ang mga kalaban nang may style.


Maaaring gamitin pang-taunt ng mga kalaban ang Valorant emotes

Credit: ValorLeaks

Inaasahan na ang Valorant emotes ay magiging katulad sa emotes ng Fortnite, sabi ng ValorLeaks. Gagamit sila ng third-person view at ang mga manlalaro ay hindi makakagalaw habang gumagana ang animation.

Maaaring ma-bind mo ang iba’t-ibang emotes sa isang in-game wheel para makapili ka kung ano ang gusto mong i-execute. Pinapalagay din na magkakaroon ng sariling wheel selection feature ang sprays.

Bibigyan ng Valorant emotes ang mga manlalaro ng bagong paraan para magyabang sa laro at ilang pros ang nakikita na ang bagong feature na ito ay magdudulot ng mas marami pang taunting.

“To be fair, they have emotes and a spray wheel in League of Legends. It was bound to happen. Now there’s going to be BM with emotes,” ani ni Jaccob “yay” Whiteaker ng OpTic Gaming sa kanyang reply sa tweet.

OpTic Gaming Yay Masters Reykjavik 2022
Credit: Riot Games

Matagal nang available ang taunts sa fighting games, battle royales at MOBAs, at madalas itong ginagamit para ipang-asar at sirain ang laro ng mga kalaban.

Maaaring ganito rin ang kahantungan ng Valorant emotes, bagamat inaasahan na magagamit lang ang mga ito sa Buy Phase at sa pagtatapos ng kada round.

Para sa Valorant news, guides at highlights, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Ito’y pagsasalin ng akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.