Maliit lang ang Valorant patch 4.10, ngunit maaaring may dala itong nerf kay Raze na hindi nabanggit sa update.

Binabawasan ng kasalukuyang Raze nerf ang distansya at taas na kaya niyang marating gamit ang Blast Pack at tinatanggal din nito ang interaksyon sa pagitan ng kanyang Blast Pack at Boom Bot. Nangangahulugan ito na hindi na niya kayang patalunin ang kanyang Boom Bot sa pamamagitan ng pagdikit ng satchel dito.

Hindi pa malinaw kung sinadya ng Riot Games ang mga pagbabagong ito. Pero hindi rin ito ang unang beses na hindi sinasadyang ma-nerf si Raze.

Sa patch 4.05, tinamaan ng bug ang Brazilian duelist kung saan nadagdagan ang oras ng pagre-equip ng kanyang armas matapos gumagit ng Blast Pack. Dahil dito, hininto muna ng Riot ang competitive queues para ayusin ang isyu.


Binabawasan ng Raze nerf ang pagiging epektibo ng kanyang satchels

Raze Blast Pack ability
Credit: Wiilllly YouTube

Ayon kay Connor “Flights” Dykes, isang streamer na gumawa ng pangalan sa pamamagitan ng nakakamanghang acrobatics kay Raze, malaki ang nabawas sa momentum mula sa Blast Packs ng naturang agent ngayon.

“You just drop out of the air as if she has bricks strapped to her,” wika niya. “Don’t know what could have caused this but I hope it’s fixed fast because she feels so slow and clunky now.”

Screenshot ni Wanzi Koh/ONE Esports

Maging si Keyd Stars player Leonardo “mwzera” Serrati ay nag-tweet patungkol sa nerf na ito at sinabi na parang hinihila ng semento si Raze.

Isang halimbawa, kapag nakatayo sa taas ng A site generator, kaya ni Raze na i-cover ang distansya ng A Main sa Ascent gamit ang kanyang satchels. Pero sa pinakabagong patch, bigla na lang siyang bumabagsak sa lupa malapit sa A Lobby. Halos agad din siyang nalalaglag pagkatapos gamitin ang kanyang Showstopper ultimate.

Dahil hindi nabanggit ang mga pagbabagong ito sa patch notes, tila hindi sinasadya ang nerf na ito tulad ng nangyari noong March.

Sa ngayon, hindi ina-acknowledge ng Riot ang mga isyu na ito kaya naman hindi pa alam kung aayusin ba ito at kung sakali ay kailan ito gagawin.


Hango ito sa artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.