Papalapit na dumating ang Fracture at napagdesisyunan naming bigyan ang mga sentinel mains diyan ng tulong sa pamamagitan ng pagbahagi ng pinaka-epektibong Sage wall spots sa pinakabagong mapa ng Valorant.

Si Sage ang pinaka-mapiling agent sa Valorant patch 3.0 sa kaniyang top pick rate na 77.0%, ayon sa Valorbuff.

Dahil nakakatakot na mapa ang Fracture, kahit na ikaw ay isang experienced player, ang pagkakaroon ng Sage sa team mo ay maaring maging daan para ma-block mo ang mga entryways para maligaw at maantala ang mga lumulusob mula sa mga sites.

3 na pinaka-epektibong Sage walls sa Fracture 
A Hall 
Credit: Riot Games Screenshot ni Nigel Zalamea

Ang ilalim na kalahati ng Fracture ay pinapayagan mag-pressure at push ang mga attackers. At ito ang dahilan kung bakit importante silang maagapan sa A Hall.

Ngunit dapat maging maingat sa mga Jett at Raze players, dahil sila ay maaring mag-rush gamit ang Tailwind at Blast Packs. May posibilidad na mahuli nila ang mga Sage players nang walang kamalay-malay bago pa man nila mailagay ang wall. 

Ang paggamit ng wall ni Sage sa A Hall ay makakapagantala sa mga push ng mga attackers at pipigilan din nito makapasok sila sa A Door at A-Main. Dahil ang nangungunang bahagi ng mapa ay mayroon lamang isang pagbubukas para sa mga attackers galing sa A Dish, ang pagkuha ng kontrol sa mababang parte ng mapang ito ay isang solid na stratehiya na maaring makatulong para makuha muli ang A-site kung ang mga kalaban ay nag-plant ng spike sa A.

B Arcade 
Credit: Riot Games Screenshot ni Nigel Zalamea

Dahil ang itaas na bahagi ng Fracture ay mayroonng isang entryway lamang para sa mga attackers sa B-site, maaring I-hold ng mga Sage mains ang B arcade sa pamamagitan ng paglapag ng mga wall.

Ang spawn ng mga defenders ay mas malapit sa B Arcade, kaya walang problema maglapag ng wall ang mga Sage palyers dito.

Ang Sage wawll na ito ay makakapigil sa mga attackers na lumusob sa B-site. Ang wall na ito ay dadalhin ang kalaban na mula sa B Tunnel patungong B main, at ang mga Sage players ay maaring mag reinforce dito dahil malapit ito sa B Arcade.

B Main 
Credit: Riot Games Screenshot ni Nigel Zalamea

Ang parte ng mapa na ito ay nagbibigay ng pinakamalaking espasyo para sa gunfights. Ang paglagay ng isang Sage wall sa B main ay magbibigay ng tactical advantage sa mga defenders dahil maari silang tumalon mula sa elevated stairs at lumapag sa tuktok ng wall.

Ito ay makakapigil sa pagpasok ng mga attackers sa B-site at ang pagbigay ng vantage point para sa mga defenders para barilin ang mga attackers na nasa B Tree. Ang Sage Wall na ito ay makakapigil din sa pagpasok ng enemy team sa isa sa apat na ultimate orbs sa mapa.

Ang pinakabagong mapa ng Valorant, ang Fracture, ay ilalabas kasabay ng Valorant patch 3.05 na ilang linggo na lang ay darating na.

READ MORE: Valorant’s Episode 3 Act 2 Battle Pass includes a classy as hell saber