Sa huling araw ng group stage ng VCT Stage 3 Masters Berlin, nagpakita si Patryk “Starxo” Kopczyński ng Acend ng isang mabisang paraan para barahan ang push sa B-site ng Ascent gamit ang Sage wall.

Ang play na ito ay ipinaliwanag ng dating CS:GO pro at streamer na si Sean Gares, isa sa mga top analysts ng Valorant. Sa halip na gamitin ang Barrier Orb ni Sage sa simula ng round, maaari gamitin ng mga players ang simpleng defensive play na ito para manalo sa mga ranked games.

Paano gawin ang Sage wall ni Staxo sa Ascent

1. Hintayin ang call na nasa B-main ang mga attackers

Valorant AcendStarxoSageVCTStage3MastersBerlin 4

Nakabantay ang Sova ni Aleksander “zeek” Zygmunt ng Acend sa speedway ng B-site para tignan kung pupunta sa B-main ang mga attackers.

Karamihan ng players ay gumagamit ng Sage wall sa simula ng round. Ang gagawin lamang ng mga attackers ay hintayin itong mawala bago kumilos. Sa tulong ng teammate na malapit sa B-main, pwedeng maghintay ng call ang mga Sage players para hindi sila mawala sa posisyon pag nagsimula nang kumilos ang mga attackers.

2. Gamitin ang Sage wall para harangan ang stairs sa B-site

Valorant AcendStarxoSageVCTStage3MastersBerlin 2

Hinarangan ni Starxo ang daan papuntang B-site stairs at sa spawn ng defenders gamit ang Sage wall. Dahil dito, mapipilitang dumaan ang mga attackers na dumaan sa speedway o basagin ang wall, na may katagalan. Ang play na ito ay magbibigay din ng oras para makapag-rotate ang defenders papuntang B-site.

3. Mag-peek sa B-main sa likod ng Sage wall

Valorant AcendStarxoSageVCTStage3MastersBerlin 3

Maaari ding mag-peek ang defenders sa itaas ng Sage wall gamit ang hagdan upang masilip ang B-main o speedway. Magiging abala ang mga attackers sa pag-hold ng speedway at lahat nang mga agent abilities ay magagamit sa entrance ng B-main.

May Astra ang Acend na gumamit ng Gravity Well pag pasok ng SuperMassive Blaze sa B-site. Gumamit din si Starxo ng slow orbs nang sumilip sa B-main.

Valorant AcendStarxoZeekVCTStage3MastersBerlin

Sa kabila ng pagkapanalo ng SuperMassive Blaze sa Ascent, kinuha naman ni Starxo at ng Acend ang dalawang sumunod na mapa na Bind at Split, kung kaya’t sila ang umabante sa playoffs.

Panoorin ang mga natitirang araw ng VCT Stage 3 Masters Berlin sa official Twitch and YouTube channel ng Valorant.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.