Ibinunyag ng Twitch streamer na si Michael “shroud” Grzesiek na umaabot mula sa US$5,000 hanggang US$20,000 ang sahod ng Valorant pro players.

Noong watch party ng VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs, nagbigay si Shroud ng insight kung paano binabayaran ng mga organization ang kanilang players, magkano ang na-uuwi nila mula sa tournament earnings, at magkano ang kinikita ng mga pro kumpara sa mga sikat na streamer.

Magkano ang kinikita ng mga Valorant pro mula sa prize money?

Shroud ibinunyag ang sahod ng mga Valorant pros
Credit: Riot Games

Nagsimula ang usapan nang kwentahin ni Shroud kung magkano ang kinakaltas ng mga esports organization mula sa prize money earnings ng isang pro team.

Noong panahon niya raw bilang Counter-Strike: Global Offensive pro, sinabi ng sikat na streamer na lima hanggang 20 porsyento ang kinukuha ng mga organisasyon sa kanilang napapanalunan, pero ngayon, “they might take more because of how much they pay players,” sabi niya.

Shroud ibinunyag ang sahod ng mga Valorant pros
Credit: Mike Grzesiek

Nabanggit niya rin na kumikita ang mga player ng Sentinels at 100 Thieves mula US$5,000 hanggang US$20,000 kada buwan. “That’s a lot of money to pay your players. So, I imagine they take a bigger cut, but maybe not. They might still be just taking the 5 to 20 percent of prize money earnings,” paliwanag ni Shroud.

Malaking diperensya kung ikaw ay streamer, kumpara sa sahod ng valorant pro players

Tatlong pros ang pinangalanan ni Shroud na lumalagpas sa US$20,000 ang sahod: sina Spencer “Hiko” Martin, Shahzeeb “ShahZaM” Khan, at Tyson “TenZ” Ngo. “When you stream, you provide so much more value to the organization, so they’re worth more money.”

Bagamat mataas ang tantya ni Shroud sa mga nasabing sahod, naniniwala rin siya na posibleng may mga nakapirma rin sa mga pangit na kontrata. “Some people might not get a lawyer involved, or they might not know how much they’re worth. I took a bad deal. My fault, but I took it. You live and you learn.”

Magkano ang kinikita ng mga streamer kumpara sa mga pro?

Ayon kay Shroud, mas malaki pa raw ang kinikita ng mga sikat na streamer ngayon kumpara sa mga professional players. Halimbawa na lang si Brandon “Aceu” Winn na umaming kumikita siya ng US$100,000 kada buwan sa streaming.

Posibleng mas malaki naman ang kinikita ng mga high-profile player gaya nina Hiko, ShahZaM, at TenZ kumpara kay Aceu, dahil bukod sa kinikita nila sa streaming, sinasahuran din sila ng kanilang mga organization.