Ibinahagi ni Shahzeeb “ShahZaM” Khan ng Sentinels ang kanyang opinyon tungkol sa kanilang karibal sa Ignition Series na TSM, sa isang watch party para sa VCT NA Stage 3 Challengers 2 Open Qualifier.

Nang tanungin tungkol sa kanyang top Valorant teams sa North American region, hindi binanggit ni Sentinels ShahZaM ang TSM sa kanyang listahan. Detalyadong ipinaliwanag naman nya kung bakit hindi na top team ang TSM sa North American region.


Tinukoy ni Sentinels ShahZaM ang mga problema ng TSM Valorant roster

VCT SentinelsShahZaM VCTStage2Masters2
Credit: Riot Games

Ipinaliwanag ng VCT Stage 2 Masters Reykjavik champion kung paano nahirapan ang TSM mula pa nang magsimula ang 2021 VCT season. “The thing is in 2021, they could not qualify for Masters 1. They couldn’t even make it to the Main Event,” sabi Sentinels ShahZaM.

“In Masters 2, once again, they couldn’t even make it out of the qualifiers.”


Ano ang kulang sa TSM roster?

Valorant TSMFTX ValorantRoster VCTNAStage3
Credit: TSM

Ayon kay Sentinels ShahZaM, ang TSM Valorant team ay walang magaling na in-game leader (IGL). Ipinaliwanag din nyang hindi lahat nang IGL ay magkakapareho.

“You need a leader that’s going to direct the team, that’s going to hold people accountable, and that’s going to keep things productive,” sabi ni ShahZaM habang kinukwestyon kung sino nga ba ang pinuno nila.

Sinabi rin nya sa kanyang mga Twitch viewers kung b akit sya naniniwalang sya ang pinakamahusay na IGL sa Valorant, “No one has had the consistency we’ve had for a year. It’s been exactly a year since we won our first Ignition Series.”

Valorant tournaments na ipinanalo ng Sentinels:

  • PAX Invitational (Ignition Series)
  • Pop Flash (Ignition Series)
  • VCT NA Stage 1 Challengers 1 (VCT)
  • VCT NA Stage 1 Masters (VCT)
  • VCT NA Stage 2 Challengers 2 (VCT) 
  • VCT NA Stage 2 Challengers 2 Finals (VCT)
  • VCT Stage 2 Masters Reykjavik (VCT)
  • VCT NA Stage 3 Challengers 1

Palagay ni Sentinels ShahZaM sa roster change ng TSM

Ang self-proclaimed best IGL ay hindi masyadong masaya sa bagong roster member ng TSM na si Sean “bang” Bezerra, na isang baguhan sa professional scene. Naniniwala syang mas mahusay ang nakuhang player ng kalabang North American squad na XSET, ang dating CS:GO pro na si Rory “dephh” Jackson.

Nagpatuloy ang pagdepensa ni Sentinels ShahZaM sa kayang opinyon nang mas maraming nagtanong ng kanyang palagay tungkol sa dati nyang mga katunggali nang sumunod na araw sa kanyang Twitch stream.

Matapos panoorin ang podcast ng TSM bago ang VCT Stage 3 Challengers 1 qualifier kung saan ipinakilala ang mga bagong myembro ng roster na sina Chet “Chet” Sing at bang, naniniwala si ShahZaM na ito ang pangunahing problema ng TSM.

“When you’ve been struggling repeatedly for seven months or a year now, that means there’s a core problem in the team,” paliwanag ni ShahZaM. “Bringing in a coach doesn’t mean teams are instantly getting better, you still have to do things right.”