Ibinahagi ng Valorant superstar na si Tyson “TenZ” Ngo na ang Thai squad na X10 Esports ang team na pinakagumulat sa kaniya sa Valorant Champions Tour (VCT) Stage 2 Masters competition. Napahanga si Sentinels TenZ sa mga Southeast Asian representatives na ito.
Matapos matalo ang Fnatic, ipinaliwanag ni Sentinels TenZ sa post-game press conference na ang X10 Esports ang team na inaabangan niya sa lower bracket, kahit na natalo ito sa Team Vikings sa Day 2.
Sentinels TenZ: ‘Naglalaro talaga sa isang high level’

“So I was actually surprised with X10 Esports’ performance. I predicted that Team Vikings would stomp X10 before their match. But X10 showed that they’re playing at a really high level,” sabi ni TenZ.
Tingin ni Sentinels TenZ na nagkaroon ng mga pagkakamali ang X10 Esports na naging rason kung bakit natalo sila sa mga crucial rounds laban sa Team Vikings. “I think if X10 Esports held through there, they would have 2-0’d Team Vikings, which would have been really surprising because both maps were really close. I’d say the team to look out for is X10 Esports,” paliwanag ni TenZ.

Ang malapit na 0-2 loss ng X10 Esports sa Team Vikings

Naglaro ng dalawang matinik na games ang X10 Esports laban sa Team Vikings. Sa Icebox, isang round nalang sila bago magpwersa ng overtime sa kanilang 11-13 final score. Sa susunod na laro sa Ascent, nagpwersa ng overtime ang Thai squad ngunit hindi nila na-even out ang serye matapos matalo sa final two rounds.
Nagkaroon din ng minor na pagkakamali ang Southeast Asian representatives na pwede sana magbigay sa kanila ng round win. Dahil sa paglalaro nila sa kanilang pinakaunang international Valorant tournament, nakaramdam ng pressure ang X10 Esports at hindi nila nagamit ang kanilang agent abilities nang mainam.