Nagbigay ng opinyon si Jared “zombs” Gitlin ng Sentinels tungkol sa agent compositions ng karibal  na North American squad na 100 Thieves pagkatapos ng VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs.

Muling namayagpag ang mga hari ng North America nang talunin nila sa grand final ang 100 Thieves sa score na 3-1 upang muling patunayan na sila ang pinakamalakas na team sa rehiyon sa VCT NA Stage 3.

Matapos ang match, sinabi ni zombs na marami pang kailangang ayusin ang 100 Thieves kung gusto nilang mas paghusayan sa VCT Stage 3 Masters Berlin.

Sentinels zombs naniniwalang hindi maganda ang agent compositions ng 100 Thieves sa VCT NA

Valorant Sentinelszombs VCTStage2MastersIceland
Credit: Riot Games

Bilang myembro ng top-seeded team na lilipad patungong Berlin, ibinahagi nya ang kanyang pananaw sa kung paanong mas magiging maayos ang performance ng 100 Thieves sa parating na international competition.

“I personally think they have a lot of work to do,” sabi ni zombs. “Their agent comps aren’t good on any map, so they need to figure out their agent pool situation and get everyone on the correct characters to have a chance at winning.”

Valorant Sentinelsvs100Thieves VCTNAStage3ChallengersPlayoffsGrandFinal
Credit: Riot Games

Ang tinutukoy nya ay ang desisyon ng 100 Thieves na huwag gamitin si Sova sa Breeze, at pagpili ng tatlong initiators, KAY/O, Skye, at Sova sa Haven.

“I don’t think our comp has any advantage on theirs,” binahagi ni zombs. “I just think their composition is not how the game should be played and they’re missing utility that’s needed in the rounds.”

Sa kabila ng hindi pagtatagumpay ng bagong agent comp ng 100 Thieves laban sa Sentinels, naging epektibo ito laban sa FaZe Clan, XSET, at Team Envy na nagbigay daan sa kanila upang mag-qualify para sa VCT Stage 3 Masters Berlin.

Nagbigay din ng opinyon si Hunter “SicK” Mims ng Sentinels tungkol sa lagay ni KAY/O sa Valorant pro meta.

“In theory, he is a really good agent, but he isn’t really good for our team especially,” paliwanag ni SicK. “If we don’t have two duelists, it is hard to enter sites.”

Patuloy ang Valorant Champions Tour win streak ng Sentinels

Valorant Sentinels VCTNAStage3ChallengersPlayoffs Champions
Credit: Sentinels

Narito ang mga tournaments na napanalunan ng Sentinels mula pa nung mag-umpisa ang VCT 2021 season:

Ang pinakamalakas na Valorant team sa buong mundo ay kasalukuyang naghahanda para sa VCT Stage 3 Masters Berlin, kung saan maghaharap-harap ang 16 sa pinakamhuhusay na teams sa buong mundo.

Ang tournament ay magsisimula sa September 9, 2021.