Ibinahagi ng Sentinels team captain na si Shahzeeb “ShahZaM” Khan na hindi na babalik sa kanilang Valorant roster si Jay “Sinatraa” Won pag natapos ang suspensyon nito.

Sa VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs watch party kasama ang kanyang teammates na sina Jared “zombs” Gitlin at Michael “dapr” Gulino, tinanong si ShahZam kung may lugar pa para kay Sinatraa sa Sentinels main roster pag natapos ang kanyang suspension.

Sumagot si ShahZaM, “No, this is our team now.”

Sentinels Valorant roster

VCT Sentinels Day3 VCTStage2Masters
Credit: Riot Games
  • Shahzeb “ShahZaM” Khan (captain)
  • Hunter “SicK” Mims
  • Jared “zombs” Gitlin
  • Michael “dapr” Gulino
  • Tyson “TenZ” Ngo

Hindi magbabalik si Sinatraa sa Sentinels para sa VCT 2021 season

Valorant Sinatraa SanFranciscoShockOWL
Credit: Robert Paul/Blizzard Entertainment

Sinuspinde ng Riot Games si Sinatraa matapos syang akusahan ng kanyang ex-girlfriend na si Cleo Hernandez ng alleged sexual assault noong March 2021.

Bilang kapalit nya, hiniram ng Sentinels si Tyson “TenZ” Ngo mula sa Cloud9 bago magsimula ang VCT NA Stage 1 Masters Tournament.

Opisyal na magtatapos ang suspension ni Sinatraa sa September 10, 2021, pagkatapos ng Stage 3 Challenger season at kasabay ng huling VCT Masters event sa Berlin.

Pagkatapos ng kanyang suspension, maari syang bumalik para maglaro sa North America Last Chance Qualifiers at Valorant Champions tournament, ito ay kung may kukuha sa kanyang team na may sapat na VCT circuit points upang makasali sa mga events.

May kontrata pa rin si Sinatraa sa Sentinels bilang isang content creator. Sa nalalapit na pagtatapos ng VCT 2021 season, magkakaroon ng mga pagbabago sa mga Valorant teams bilang paghahanda sa susunod na season.

Dahil kumpleto na ang roster ng Sentinels, may posibilidad na kunin sya ng ibang team.