Psycho-han ang labanan ngayon ng iba’t-ibang regions sa Valorant Champions Tour VCT Stage 2 Masters at ang Sentinels ang pinaka-nakikinabang sa ganitong uri ng giyera.

Matapos ang tatlong araw ng balagbagan sa torneyong ito, binigyan tayo ng ideya ni Shahzeb “ShahZaM” Khan ng Sentinels kung paano nila inuunahan ang kanilang mga kalaban sa ganitong aspeto ng laro.

Dinomina ng Sentinels ang top-seeded representante ng Brazil na Team Vikings sa ikatlong araw ng VCT Stage 2 Masters. 

Highlight ang ginawa ng Cypher main ng Sentinels na si Michael “dapr” Gulino ng binato nya ang kanyang Phatom sa harap ni Gustavi “sacy” Rossi ng Vikings at sinubukang i-knife ito bago ang haltime.

May mindgame plays din si ShahZam

Sa post-game press conference pagkatapos ng kanilang laban, binanggit ni ShahZam kung paano nila nagagawang laruin ang mga ulo ng kabilang kupunan. “I think dapr is the king of that, teabagging, knifing people, toying with them with his movement, [along with] using Cypher cam and stuff.” 

“For me, I like to get in their head by my tactics in-game,” added ShahZam. “If I have a hard read on a team, I’m going to make it very obvious to them that I know what they’re doing, so that they’re in their own heads and that they can’t play their own game,” dagdag niya.

Gusto ni ShahZam mapaalam sa kanilang mga katapat na basadong basado at napag-aralan na nila ang kanilang mga strategies. Dahil sa ginagawang pang-psypsycho ni ShahZam, nalalagay sa alanganin ang kanilang mga katunggali. Ganito ang istilo ng pagpapaikot ng former CS:GO pro player

Susi ang preparation sa pagtatagumpay ng Sentinels

Bago pa man sumabak sa babagan laban sa Team Vikings, pinag-aralan na ng maigi ni ShahZam kung anong tirada ang gingawa ng kanilang top-seed na kalaban. Aniya, mahilig ang Brazilian team sa maagang duels kaysa sa info gameplay.

Dahil dito, maagang niyang natimbrehan ang Sentinels para magkaroon ng advantage sa mga opening ng rounds.

“Individually, they have really talented players. I think if they can implement a slower playstyle, a bit more playing and denying info. When they do, they’ll be a really scary team,”

Matalinong outplays ang isinabak ng North American teams kontra sa agresibong opening kontra Vikings. Pinoste ng Sentinels si Tyson “TenZ” Ngo sa mga tight angles gamit ang Operator. Dahil walang utility sa entrada ng Brazilian team, napadali ang buhay ni TenZ na pumitas na nagbigay sa kanila ng maagang numbers advantage.

Dalawang panalo nalang para maiuwi ang tropeyo ng Masters Reykjavík

Dahil sa dominanteng pagwalis sa Team Vikings, pasok ang Sentinels sa Upper Bracket Finals kung saan sasagupain nila ang mananalo sa Upper Bracket semifinals matchup ng Version1 at NUTURN Gaming.

Magkikita ang Version1 at NUTURN Gaming sa May 27. Susundan ito ng dalawang elimination matches sa pagitan ng Fnatic at X10. Esports sa May 28. Nakasultada na din ang Team Liquid kontra KRÜ Esports sa May 28.

Panoorin ng live ang kanilang matchups sa Valorant’s official Twitch at YouTube channels.