Ipinaliwanag ng Twitch streamer na si Michael “Shroud” Grzesiek sa kanyang mga fans kung bakit ang ilang high-tier Valorant skins ay masasabing “pay to lose.”
Bilang isa sa mga pinakasikat na streamers ngayon, ibinahagi ni Shroud kung paanong ang ilang high-tier Valorant skins tulad ng Ruination bundle ay nagbibigay ng pagkadehado in-game dahil sa nakakailang nitong visual at audio effects.
Opinyon ni Shroud sa Ruination bundle

Habang tinitignan ang bagong Ruination bundle sa kanyang stream, sinabi ni Shroud na “using these kinds of skins are definitely pay to lose. This is why I use so many basic ones.”
“Those skins are cool but you are not getting an advantage,” patuloy nya. “You’re getting a disadvantage because it’s so loud, it’s so annoying, and it’s so in your face.”

Matapos bilhin ang Ruination bundle, sinubukan ni Shroud na gumamit ng Guardian upang patunayan ang kanyang teorya. “See, if you don’t think that’s pay to lose, you’re out of your mind. Any normal Guardian does not have this lingering effect when you shoot it. That’s like four seconds,” sabi ni Shroud.
Ang Ruination Guardian ay may kakaibang audio effect pagkatapos magpaputok na maaaring makasagabal sa mga importanteng audio cues, tulad ng footsteps at paggamit ng utility ng kalaban.
Sa kabila ng lahat, binili ng kilalang 27-anyos na Twitch streamer ang halos lahat nang high-tier Valorant skins ng Riot Games dahil sa tingin nya ay masyado silang cool para palampasin.
Para sa dating Counter-Strike pro, nakakailang sa game ang mga mamahaling skins ng Riot Games na Ultra, Exclusive, at Premium. Bagamat ang ilan sa kanyang Valorant settings ay naka-set sa high, karamihan ng pro ay mas pinipiling maglaro sa low settings upang mas makita at marinig ang lahat nang nangyayari sa game.