Kailangan ng magandang smoke agents ang bawat Valorant team kung gusto nila manalo. Mas naging importante ito dahil sa paglabas ng Fracture.
Ang pagsabak sa isang bagong Valorant na mapa ay nakakatakot, kaya gumawa kami ng isang listahan ng pinakamagandang smoke locations para sa mga attackers at defenders sa Fracture.
Ang pinaka-epektibong smoke locations sa Fracture

Ang gabay na ito ay para sa mga Omen, Astra, at Brimstone users dahil ang mga controller agents na ito ay kayang maglapag ng smokes nila sa kahit saang parte ng mapa. Si Omen at Astra ay magandang piliin dahil sa kakayahan nila ma-activate ang abilidad nila kahit malayo.
Ang isang controller agent na hindi namin sinali sa gabay na ito ay si Viper. Maari pa rin siya maging isang malakas na agent sa mapang ito, ngunit ang mga abilidad niya ay nangangailangan ng specific na lineups.
Ito ang lahat ng pinakamagandang smoke locations para sa mga controllers, base sa kanilang posisyon sa mapa.
Ang smoke spots para sa mga attackers sa Fracture
A Hall

Kung ikaw ay isang attacker at ikaw ay lulusob mula sa mababang parte ng mapa, ang mga controller agents ay gagamit ng smoke sa gitna ng A Hall. Dahil pinigilan mo silang makita ang enemy team, maaring pumasok ang mga attackers sa A door na maaring magbukas sa parehong A Site at spawn ng defenders.
A Drop

Ang pag-pressure sa A Dish bilang mga attackers ay mahirap dahil masikip ang lugar. Ngunit nagbibigay ito ng mas mabilis na daan papuntang A Site. Dapat maglapag ng smoke ang mga Controller agents sa taas na parte ng A Site sa lokasyong ito.
Pagkatapos dapat nilang I-smoke ang A Hall, maliban na lang kung mayroong agents ang attacking team mula sa parteng iyon ng mapa. Ang pag-smoke sa A Site ay isang magandang spot dahil maari nitong ma-block ang taas at babang parte ng mapa, dahil mayroong cylindrical na hugis ang smokes.
B Main

Mayroong malakas na defensive na posisyon ang mga defenders sa B Main. Dahil malawak ang lugar at sila ay maglalaro mula sa isang mataas na posisyon sa hagdanan. Dapat mag-smoke ang mga attackers sa lokasyong ito kung gusto nila makalusob sa B Site.
B Tower at B Site

Dapat mag-ingat sa mga defenders na galing sa B Tower, B Tunnel, at B site ang mga attackers na manggagaling sa B Bench, dahil mapupunta sila sa B Arcade, lalong-lalo na kung gusto nilang mag-plant ng spike sa parte ng mapa na ito.
Para isang matagumpay na B Site push, dapat gumamit ng smokes ang mga attackers sa B Tower at B site kung gusto nila makakuha ng kontrol sa parteng ito ng Fracture.
Ang smoke spots para sa mga defenders sa Fracture
A Drop

Ang mataas na parte ng mapa na ito ay mayroong masikip na daanan at maraming matutulis na sulok. Ang paglagay ng smoke sa entrance ng A Drop o kahit na sa dulo nito ay maaring makapigil sa paglusob ng gma attackers dahil hindi nila alam kung ano ang naghihintay para sa kanila.
A Hall

Ang parte ng mapa na ito ay importante dahil ito ang isa sa mga lokasyon kung saan maaring gulatin ng mga attackers ang mga defenders. Siguraduhin mong maglagay ng smoke sa A Hall para ma-block ang paningin ng mga attackers. Dapat ring mag-drop ng agent utility ang mga defenders para mapatibay ang kanilang depensa sa posisyong ito sa mapa.
B Tree

Ang parehong teams ay maaring nagbabarilan na sa simula ng round kung silang dalawa ay lumusob mula sa B Main at B Tree. Kung kulang sa tao ang controllers sa spot na ito, maglapag ng smoke sa gitna ng metal covers para hindi magkaroon ng map information ang enemy team.
B Arcade

Ito ang iilan sa mga spots sa mapa na pabor sa mga defenders, dahil mayroong mga posisyon na kailangan tiyakin ng mga attackers bago sila makalusob. Ang pagbato ng smoke sa tawiran ng B Bench at B Arcades ay maaring dalhin ang mga attackers sa B tunnel, kung saan mapupunta sila sa B Main.
Ang pinakabagong mapa ng Valorant, ang Fracture, ay ilalabas kasabay ng Valorant patch 3.05 na ilang linggo na lang ay darating na.
READ MORE: Pwede ka na makipag-interact sa mga narrative objects sa bagong mapa ng Valorant na Fracture