Pinangalanan ng mga miyembro ng 100 Thieves Valorant roster na sina Joshua “steel” Nissan, Nicholas “nitr0” Cannella, at Ethan “Ethan” Arnold ang mga pinakamahusay na international teams para sa kanila.
Sinagot ito ng North American squad sa kanilang fan AMA sa YouTube kung saan tinanong sila kung sino sa tingin nila ang pinakamahuhusay na teams sa labas ng NA.
Top teams sa labas ng North America ayon sa 100 Thieves
Steel

Pinili ng in-game leader ng 100 Thieves ang Korean team na Vision Strikers dahil “everyone talks about them.”
Nahahari ang Vision Strikers sa VCT Korean region mula pa nung magsimula ang competitive Valorant scene. Nagkaroon sila ng makasaysayang 104 pro-match win streak na nagtapos sa VCT KR Stage 2 Challengers.
Ang Vision Strikers ay lalaban sa VCT Korea Stage 3 Challengers Playoffs.
Ethan

Mabilis na sagot ni Ethan, Team Liquid kasunod ng Acend.
Napatunayan na ng Team Liquid na isa sila sa mga pinakamagagaling na teams sa rehiyon matapos i-represent ang Europe sa VCT Stage 2 Masters Reykjavik.
Pumutok naman ang pangalan ng Acend sa Valorant pro scene nang talunin nila ang Team Heretics sa score na 3-2 sa VCT EU Stage 1 Masters.
Pasok ang Team Liquid sa paparating na VCT EMEA Stage 3 Challengers Playoffs kung saan nilalayon nilang makaabante papuntaqng VCT Stage 3 Masters Berlin.
nitr0

Nagbahagi naman ng opinyon ang controller main ng 100 Thieves nang pangalanan nya ang Vision Strikers at Fnatic.
Isa pang highly accomplished team sa European region ang Fnatic. Sila ang mga runners-up ng VCT Stage 2 Masters Reykjavik. Fnatic lamang ang team na hindi nakapag-qualify sa kanilang regional VCT EMEA Stage 3 Challengers Playoffs.
Sinabi rin ni nitr0 na ang Acend ang best team sa Europe. Tulad ng Team Liquid, lalaban din ang Acend sa VCT EMEA Stage 3 Challengers Playoffs.
Spencer “Hiko” Martin

Pabiro namang sumagot ang team captain ng 100 Thieves, “the thing is all of those teams are not in North America so they’re just naturally going to be worse than us. So, why would we watch a team that’s worse than us?”
Ang 100 Thieves ay lalaban sa nalalapit na VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs kung saan ang top three teams ay aabante papuntang VCT Stage 3 Masters Berlin. Ang kanilang opening match ay magaganap sa August 12, 2021, 5:30 a.m. GMT+8.