Ibinahagi ng CS:GO superstar ng Team Liquid na si Jake “Stewie2K” Yip ang kanyang napipintong paglipat sa Valorant sa hinaharap.

Habang nasa VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs watch party kasama ang mga sikat na North American streamers na sina Michael “shroud” Grzesiek at Tarik “tarik” Celik, ipinaliwanag ng highly accomplished CS:GO pro ang kanyang planong paglipat.

Kelan lilipat si Stewie2K sa Valorant mula CS:GO?

CSGO Stewie2K ESLOneCologne2019
Credit: Stewie2K

Sinabi ni Stewie2K na hindi sya nahuhuli sa mga bagong stretegies at meta sa kahabaan ng professional Counter-Strike career.

At dahil nakatuon pa rin sya sa paglalaro ng CS:GO sa Team Liquid, hindi nya pa nabibigyan ng oras ang paglalaro ng Valorant. Sinabi ni Stewie2K na ang huling beses nyang naglaro ay nung panahong kalalabas pa lamang ni Killjoy at ang pinakabagong mapa ay Ascent.

“In Valorant, I feel like I fell behind and there is this massive gap, just seeing how the meta has shifted with people using their skills in a better-coordinated team manner,” sabi nya.

Ipinaliwanag din nya kung ano ang binabalak nyang gawin sa oras na magdesisyon syang maging pro sa Valorant. “If I do make the switch, I’ll for sure be playing a lot. I’m going to be playing a month or two straight where no one knows I’m playing. As soon as I make the switch, I’m ready to go.”

Kinumpirma nya sa kanyang stream na seryoso sya sa paglipat sa Valorant, pero ang hindi pa sigurado ay kung kelan. “All jokes aside, I’m not making the switch yet, but I will eventually.”

Bakit importante ang paglipat ni Stewie2K mula CS:GO papuntang Valorant?

Si Stewie2K na siguro ang pinakamalaking pangalan sa CS:GO sa North American region. Nanalo sya sa ELEAGUE Boston Major noong 2018 kasama ang Cloud9, ang tanging CS:GO Major win sa kasaysayan ng North America.

Nakakabilib din ang karera ni Stewie2K sa Team Liquid dahil nanalo sila sa Intel Extreme Masters XIV Sydney, DreamHack Masters Dallas 2019, ESL Pro League Season 9, at ESL One Cologne 2019 para makuha ang Intel Grand Slam Season 2 title.

CSGO TeamLiquid GrandSlamSeason2Winners
Credit: Team Liquid

Ang paglipat ng isang player na may kalibreng tulad ng kay Stewie2K papuntang Valorant ay maaaring maging hudyat para sa ibang high profile CS:GO pros na lumipat na rin.