Talagang isang biyaya ang Brimstone buff sa Valorant patch 4.04. Hindi lang nagiging isang mini-Neons ang mga Valorant agents dahil sa Stim Beacon, ngunit nagbibigay rin ito ng isang speed bosot sa mga abilities ng ibang agents para makarating nang mas mabilis sa kanilang destinasyon. 

Maaring gamitin ang speed buff na ito sa iilang recon abilities, at mas makasagap sila ng mas maraming impormasyon sa team ng kalaban. 

Brimstone buff ng Stim Beacon ay nagpapabilis sa mga abilities nina Yoru, Skype, at Raze 

Valorant Brimstone Stim Beacon
Credit: Riot Games

Naglabas ng mga nerfs at buffs ang Valorant patch 4.04 na kinontrol muli ang controller meta ng laro. Kasama na sa patch na ito ang isang major Yoru rework na ginawang mabagsik an trickster na mahusay manloko ng kaniyang mga kalaban. 

Maliban sa kaniyang clone decoy, pinabilis rin ng Riot ang speed ng kaniyang Gatecrash tether para makarating sa likod ng kalaban nang mas mabilis. 

Ngunit may paraan para pabilisin pa lalo ang kaniyang Gatecreash. Nadiskubre ng Reddit user na si JimO_JustGaming na mas mapapabilis mo ang Gatecrash ni Yoru nang 15% speed boost gamit ito. Sa katotohanan, magagamit rin ang speed boost na ito sa kaniyang Fakeout clone. 

Tinesting rin namin ito sa iba pang mga agents. Nakita namin na mas mapapabilis rin ng Stim Beacon ang speed ng Boom Bot ni Raze at Trailblazer ni Skye para mas malayo ang kanilang marating.  

Ngunit hindi ito gumana sa Owl Drone ni Sova at sa Guiding Light flash ni Skye, malamang dahil sila ay mga aerial utilities. 

Mas napapadali rin ng speed boost na ito na magkaroon ng agresibong plays. Pinakita ng star ng Sentinels na si Tyson “TenZ” Ngo na maari nitong gawing duelist ang kahit sinong agent dahil mas madaling sumilip sa mga sulok nang mas mabilis. 

Sa pangkalahatan, ang bagong Stim Beacon ay may potensyal na baguhin ang speed ng paglalaro ng Valorant. Sinuportahan ni Spencer “Hiko” Martin ng 100 Thieves ang mga sinabi ni TenZ, at sinabing naiiba ng speed boost ang timing ng mga push at rotations, kaya magbabago ang buong bilis ng laro. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, How to combine Brimstone’s Stim Beacon with Yoru, Skye, and Raze’s abilities.