Inanunsyo ng European na esports organization Team Liquid na pumirma sila ng isang all-female Valorant roster para sa paparating na VCT Game Changers 2022 season. 

Dating naglaro ang South American squad na ito para sa Gamelanders Purple sa VCT 2021 season. Pero ngayon, ang tawag na sa kanila ay Team Liquid Brazil. 

Kinuha ng Team Liquid ang Valorant team na ito mula sa Brazil para sa VCT Game Changers 2022 season 

Valorant Team Liquid Brazil
Credit: Riot Games

Dinominado ng Gamelanders Purple roster ang Brazilian Game Changers na kompetisyon noong 2021. Pinanalo nila ang 13 tournaments, at kasama dito ang Protocolo: Evolução, Protocolo: Gêneses, at Copa Rakin Season 2.  

Nakamit din ng powerhouse lineup na ito ang dalawang top 32 finish sa VCT 2021 Brazil Stage 2 Challengers Open Qualifiers. 

Ito ang pangalawang Valorant squad na kinuha ng Liquid, na gusto nilang sumunod sa yapak ng all-male roster nila. Nagkaroon ang team ng isang kahanga-hangang VCT 2021 season na nagresulta sa isang top 4 finish sa Valorant Champions 2021. 

“With the recent expansion of Riot Games’ VCT Game Changers program to include international competition, Team Liquid is excited for its new Valorant roster to compete on the world stage,” sinulat ng organisasyon sa isang opisyal na press release. 

Tapat ang Liquid sa kanilang plano na palakihin ang kanilang esports portfolio sa pamamagitan ng pagpalago ng kanilang South American fanbase. Nakapag-pirma na rin sila ng mga Rainbow 6, Free Fire, at Fortnite Brazilian squads na lalahok sa iba’t-ibang esports na kompetisyon. 

Ang all-female Brazilian Valorant roster ng Team Liquid 

  • Ana Beatriz “naxy” Gomes 
  • Paola “drn” Caroline 
  • Paula “bstrdd” Nagiul 
  • Natália “daiki” Vilela 
  • Natália “nat1” Meneses 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa Valorant.