Ang Team RRQ ang natatanging Indonesian team na matagumpay na nakapasok sa VCT 2023 Pacific Franchise League. Bilang nag-iisang Indonesian representative, umaasa ang mga fans na hindi lang puro Filipino players ang nasa RRQ roster.

Isang debate ngayon ang nag-aabang  sa CEO na si Adrian “Mr. AP” Pauline, na masayang napili ang kanyang team bilang isa sa mga VCT 2023 partner teams. Sa kasalukuyan, ang roster ng Team RRQ ay binubuo ng mga Pinoy.

Sobrang laki ng naging epekto ng pag-anunsyo ng VCT 2023. Maraming Valorant teams sa Indonesia ang naiulat na nabuwag matapos hindi makakuha ng slot. Sa kabila ng magandang nangyari, kailangan ni Mr. AP na maging maingat sa pagpili ng roster para sa RRQ.

Team RRQ maaaring magkaroon ng Indonesian players

Team RRQ Predator League 2022
Credit: RRQ Drexii

Kasalukuyang binubuo ng mga Pinoy players ang roster ng RRQ. Ang pinakahuli nilang achievement ay ang maging finalist para sa VCT APAC Stage 2 Challengers, kung saan hindi sila nakaabot sa playoffs.

Matapos ang kanilang pagkatalo, binago ng RRQ ang kanilang roster at idinagdag sina Franz Kevin “kvzx” Dingal at Emmanuel “Emman” Morales. Hindi rin naglaro ang RRQ sa ibang tournaments, maliban sa Predator League 2022 PHG na nagawa nilang ipanalo.

Sa ngayon, binibigyan pa rin ng Riot Games ang RRQ ng panahon upang baguhin ang kanilang roster. Sa kabilang banda, nagpahiwatig ng mensahe ang sikat na in-game leader na si Saibani “fl1pzjder” Rahmad para sa RRQ na kumuha ng mga Indonesian players.

“The problem is that RRQ wants the Indonesian roster, Lemon wants the Indonesian roster, the MLBB division period is the champion to use the Indonesian roster but Valorant does not use the Indonesian roster,” sabi niya sa isang clip mula sa Lambe Valorant Instagram account.

Matapos ang sinabing ito ni fl1pzjder, nag-upload naman ng story si Mr. AP sa kanyang Instagram account kung saan nagtatanong siya kung sino ang mga best Valorant players sa Indonesia. Maaaring ito na ang hudyat na kinukonsidera niya ang pagkuha ng mga Indonesian players para sa Team RRQ.

Valorant Team RRQ Mr. AP Instagram Story
Credit: RRQ AP

Marami sa mga pinakamahuhusay na Valorant players sa Indonesia ang kasalukuyang mga free agents.

BOOM Esports
Credit: Valorant Esports

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.