Isang reverse sweep ang ang nagawa ng Team Secret laban sa XERXIA Esports nang magkaharap ang dalawang koponan sa unang round ng VCT APAC Stage 2 Challengers playoffs.

Kinuha ng XERXIA ang unang game sa Haven na map pick ng Secret. Tinambakan nila ang pambato ng Pinas sa unang half sa score na 11-1 bago tuluyang kunin ang game sa score na 13-6.

Pero lintik lang ang walang ganti dahil bumawi ang mga kampeon ng Pilipinas sa game two, sa map ng XERXIA na Breeze. Balagbag sa unang half sa score na 10-2 ang team ng Thailand sa game na tinapos ng Secret sa score na 13-4.

Reverse sweep ng Team Secret sa Game 3

Nag-init ang XERXIA sa unang half ng ikatlong game sa Ascent kung saan nakuha nila ang kalamangan sa score na 7-5 gamit ang kanilang nakakatakot na opensa.

Lalo pang lumaki ang lamang ng team Thailand nang makuha nila ang pistol round at ilayo pa ang agwat ng score 9-5.

Ngunit kasalukuyan ding nag-iinit ang Team Secret na sumabog sa Round 15, kung saan dinere-derecho nila ang walong magkakasunod na round upang baliktarin ang mundo ng kalaban.

Sa mga huling sandali ng Round 22, nagkaroon ng 3v5 situation na pabor sa XERXIA. Ngunit hindi ito naging problema para sa mga hari ng Valorant PH at tuluyan nang tinapos ang series sa isang reverse sweep.

Team Secret DubsteP MVP VCT APAC Stage 2 Challengers Playoffs
Credit: PPGL

Tinanghal na MVP ng series si Jayvee “DubsteP” Paguirigan na may 258 Average Combat Score (ACS) at 53/37/13 KDA.

Makakaharap ng Team Secret ang ONIC Esports sa susunod na round ng VCT APAC Stage 2 Challengers playoffs.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming, esports, at sa MSC 2022, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.